CHAPTER LII: SIGNS

73 4 0
                                    

🍯🍯🍯

"You okay?" Nag-aalalang tanong ko dahil para bang ilang araw na siyang problemado.

"Yes." Diretsong sagot niya saka nangalumbaba habang nakatulala sa may gawi ng balcony.

Muli siyang napabuntonghininga dahilan para mapasaltak ako, "Ano ba talagang problema?" Hindi na makatiis na tanong ko.

"Huwag ka ngang makulit, nag-iisip ako."

"Anong iniisip mo? Baka may maitulong ako."

Muli na naman siyang bumuntonghininga saka sumandal, "Si Kristel kasi."

"Anong meron?"

"Hindi ko alam kung paano ko siya dadalhin sa hospital."

"Why? Pwede namang mag-arkila na lang tayo ng sasakyan o 'di kaya ay pumara ng taxi sa labas."

"Ayon na nga, ayaw niyang mag-taxi o mag-arkila. Ayaw niya raw dumaan sa kalsada, arrgghhh!" Napasabunot siya sa buhok niya dala ng frustration, "Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng 'yon." Reklamo niya.

"Huwag mo ng isipin 'yan, ako ng bahala." Sambit ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Ikaw ng bahala?"

Tumango ako, "Kailan ba kailangan?"

"Day before siya manganak."

"Okay," tipid na sabi ko saka itinuloy na ang ginagawa, napahinto lang ako ng mapansing nakatingin siya sa akin, "Bakit?"

"Sinong iniisip mo?"

"Ikaw?"

"Seryoso kasi!"

"Seryoso ako." Sabi ko na hindi niya inimikan dahilan para silipin ko siya, "Ang hilig mong yumuko, may problema ba?"

"Wala 'to."

"Jane-"

"-wala pramis!" Pilit niya kaya hindi na ako umimik at tiningnan na lang siya, bumaling naman siya sa cellphone niya at nagtipa ng kung ano doon.

Napabuntonghininga ako at itinuloy ang sinusulat ko.

Pagsapit ng hapon ay nagpaalam akong uuwi na, sinamahan naman niya ako hanggang sa labas ng building pero kapansin-pansin pa rin na para bang may malalim siyang iniisip.

"Jane," tawag ko sa pansin niya dahilan para tingnan niya ako.

"Hmmm?"

"Aalis na ko," sagot ko.

Napatingin siya sa paligid at saka niya lang na-realize na nasa gilid na kami ng daan.

"Bumalik ka na sa loob at magpahinga."

Tumango siya saka humakbang palapit, saglit siyang yumakap sa akin.

"Ingat ka, text mo ko pagnakauwi ka na." Bilin niya ng bumitaw sa akin.

"I will, magpahinga ka ha."

"Opo," tangong sagot niya saka humakbang na paatras, ngumiti siya sa akin saka tumalikod na at naglakad papasok sa loob ng building, tiningnan ko lang siya at pinagmasdan habang naglalakad, iniintay kong muli siyang lumingon katulad ng madalas niyang gawin ngunit malapit na siya sa may elevator pero hindi pa rin siya lumilingon, akmang kukunot na ang noo ko ng mapansin ko ang pagkuyom ng kamay niya at bago siya tuluyang pumasok sa elevator ay humarap siya sa akin at kumaway.

Napabuntonghininga ako saka kumaway pabalik bago siya tuluyang pumasok sa loob ng elevator.

Matapos niyang mawala sa paningin ko ay saka lang ako pumara ng jeep at sumakay ngunit hanggang sa makauwi ako ay hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya at ang pagkuyom ng kamay niya.

HappinessWhere stories live. Discover now