CHAPTER XXVI: THE WORRIED DRAGON

109 57 5
                                    

🍯🍯🍯

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay, ang tanging sigurado lang ako ay naroon pa rin ang kirot na dulot ng paghampas na iyon.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang malaki at malalim na aquarium, wala akong masyadong maaninag sa kung ano ang laman no'n maliban na lamang sa kaalamang mayroong laman iyon dahil ramdam ko ang paggalaw ng tubig na bahagyang tumatama sa mukha ko.

Hindi na ako nagulat ng magkamalay ako at matuklasang nakabitin ako mula sa kisame, nakatali ang mga paa ko at ganoon din ang mga kamay ko sa aking likuran. Hindi na iyon nakapagtataka sapagkat mayroon ngang hound na nakabantay kay Andrei, ang iniisip ko ay kung anong klaseng halimaw ang nasa aquarium na iyon.

Kahit saan ko igala ang tingin ay wala akong maaninag na kahit ano dahil sa sobrang dilim, napakalawak no'n na para bang wala ng katapusan ni hindi ko makita kung nasaang parte naroon ang pintuan dahil sa dilim.

Sinubukan kong abutin ang maliit na kutsilyong itinago ko sa gilid ng suot kong sapatos, sa loob mismo ng medyas ko at ng mahawakan ko iyon ay pilit kong sinubukang hiwain ang nakatali sa mga kamay ko para mas makagalaw ako ng maayos.

Matapos makawala ng mga kamay ko mula sa pagkakatali ay maingat kong binuksan ang naka-zipper na pocket ng suot kong pants at kinuha ang flashlight na inilagay ko doon.

"Shit," mahinang sambit ko ng magawa kong ilawan kung ano ang laman ng aquarium sa tapat ko, piranha iyon at kung sakaling magawa kong putulin ang tali sa mga paa ko ay paniguradong doon ako babagsak.

Napasaltak ako, wala naman akong ibang pagpipilian. Either hahayaan kong bumagsak ako sa loob ng aquarium o manatili akong nakabitin dahil imposibleng magawa kong makaalis sa pagkakabitin ng hindi nalalaglag sa aquarium.

Huminga ako ng malalim saka walang pagdadalawang isip na pinutol ang tali sa mga paa ko. Pagkaalis ng tali ay agad akong bumulusok papunta sa aquarium sa ilalim ko, pagbagsak ng katawan ko sa tubig ay agad na nagtakbuhan palayo ang mga piranha kaya naman agad kong pinilit na gumalaw upang makaangat, paglitaw ng ulo ko sa tubig ay agad kong sinikap na makalapit sa gilid upang akyatin iyon.

"Fuck!" Sambit ko ng magsimula na silang lumangoy palapit sa akin ng humalo na sa tubig ang dugo saka ko lamang napansin na nagkaroon ako ng sugat sa likod ng ulo ko dahil sa paghampas kanina kaya pala hanggang ngayon ay kumikirot pa rin iyon.

Dali-dali kong inabot ang ibabaw ng aquarium ngunit hindi ko magagawang agad na makaangat dahil bawat lalapit sa akin ay sinasaksak ko agad ng hawak kong kutsilyo ngunit hindi iyon sapat dahil sa dami nila hindi lahat ay magagawa kong agapan upang hindi makalapit sa akin.

Napapadaing na lamang ako sa tuwing mayroong makakalapit at magagawa akong kagatin na siyang lumilikha ng panibagong rason upang mas lalong kumalat ang dugo ko sa tubig dahilan para mas lalo kong pursigihing makaangat na mula sa tubig dahil kung hindi ay 'di magtatagal mas lalo silang magiging aggressive.

Buong lakas kong inangat ang sarili ko at pilit na inakyat ang tuktok, hindi ko pa man lubusang naiaangat ang mga paa ko at kalahati pa lamang ng katawang ko ang nagagawa kong maisampa sa ibabaw ng thick glass na iyon ay mayroon na namang kumagat sa binti ko, agad kong inabot iyon at sinaksak bago ko iniangat ulit ang katawan ko hanggang sa magawa kong makalabas.

Bumagsak ako sa sahig at pagapang na hinabol ang hininga sa sobrang pagod, matapos saglit na makahinga ay agad akong tumayo saka nagmamadaling hinanap ang daan palabas. Pinilit kong buksan ang pinto ng mahanap ko at saka maingat na lumabas, ngunit hindi pa ako nagtatagal ay nakarinig na naman ako ng putok ng baril kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo pababa, palabas ng gusali upang takasan ang mga iyon dahil wala namang binatbat ang kutsilyong hawak ko.

HappinessWhere stories live. Discover now