CHAPTER XXXIII: TRENDING

82 34 2
                                    

🍯🍯🍯

Dinaig pa nila ang patay sinding ilaw at ang switch nito sa paulit-ulit nilang paghihiwalay na para bang isang casual na bagay lamang iyon at wala ng halaga ang relasyon.

May mga araw na nakikita silang magkasama o lumalabas ngunit mas madalas ang away sa pagitan nila hanggang sa para bang nasanay na lamang ang barkada na sumasama siya sa tuwing hindi sila okay at bigla na lamang mawawala kapag ayos na.

Sa paulit-ulit na cycle ng relasyon nila ay nagsawa na ring magsalita ang barkada sa kung ano ang mas dapat, ngayon nga'y para bang hinihintay na lamang nila kung kailan nga ba magsasawa si Jane sa patay sinding relasyon na mayroon sila ni Carlos.

"Hindi ka ba talaga pupunta sa acquaintance party?" Tanong ni Jam.

"Bro, sayang naman!" Apela ni Kris.

Binigwasan ko siya sa tiyan dahilan para mapadaing siya. "Hindi tayo magkapatid."

Dalawang araw bago ang sinabing party ay pinadalhan ako ni Jam ng ticket para makadalo sa event samantalang nagpadala naman si Grandell ng isang buong set ng isang tuxedo na formal attire pero hanggang sa mismong araw na iyon ay hindi pa rin ako nakakapag-desisyon dahil wala naman akong gagawin doon. Tinatamad din akong makipagsalamuha at magpakita sa lahat ng naroon lalo pa't alam ko naman sa sarili kong hindi ko naman gusto ang mga ganoong okasyon.

Iginugol ko na lamang ang oras ko sa paggawa ng school works at pagsapit ng tanghali ay pumasok ako sa part time job ko, hanggang hapon ay inabala ko ang sarili ko sa pagta-trabaho.

Pagkatapos ko mag-out ay palabas na ako ng gusali ng maisipan kong i-on ang cellphone ko, napakunot ang noo ko ng sunod-sunod na rumehistro ang number ni Jam sa screen dahil sa paulit-ulit niyang pag-text sa akin.

Akmang bubuksan ko na ang mensahe ng pumasok ang tawag niya, kunot pa rin ang noong sinagot ko iyon.

["You have to go."] Bungad niya pagkasagot ko sa tawag. ["Mukhang pagmumukhain ni Carlos na tanga ang kapatid ko sa party."]

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What do you mean?"

["Umalis si Ella ng nag-iisa dito sa bahay, hindi ko alam kung siya lang ba mag-isa ang lalakad sa carpet o doon na sila magkikita."]

"Papunta na kayo?"

["Oo."] Sagot niya at pinatay ko na ang tawag.

Napabuntonghininga ako saka nagmamadaling pumara ng jeep at umuwi sa bahay, mabilis ang kilos na naligo ako pagkarating ko kahit pa wala akong maayos na tulog. Matapos magbihis ay ni hindi ko na nagawang humarap sa salamin, agad kong hinanap si Mommy.

"Mom, I have to go." Nagmamadaling sabi ko.

"Sa party 'yan, hindi ba?" Usisa niya na tinanguan ko. "Sige, larga." Pagpayag niya, niyakap ko lang siya saka nagmamadaling lumabas ako ng bahay. Napahinto ako ng makitang mayroong nakahintong motor sa harap ng bahay namin, pagkakita sa akin ng lalakeng nakatayo malapit doon ay agad siyang lumapit na ikinakunot ng noo ko.

"Handrex Cruise?" Tanong niya at ng tanguan ko ay iniabot niya sa akin ang susi.

"Do I know you?"

Umiling siya. "Definitely no, but Mr. Vanford told me to give you this," iminuwestra niya ang motor.

Napatango na lang ako. "Thank you."

Formal na tumango siya saka iminuwestra ulit ang motorcycle. "Ingat." Tipid na sabi niya, muli akong nagpasalamat saka isinuot na ang helmet, sumakay sa motor at umalis doon.

Saglit akong dumaan sa isang flower shop para bumili ng bouquet bago dumiretso sa venue ng event, malayo pa lamang ay tanaw na ang mga ilaw na halos magliwanag ng husto para lamang i-emphasize ang lugar na siyang paggaganapan ng nasabing party.

HappinessWhere stories live. Discover now