CHAPTER XLVII: WEIRD

48 3 0
                                    

🍯🍯🍯

Pagsapit ng gabi ay nag-ipon-ipon ang lahat malapit sa dalampasigan, gumawa kami ng bonfire samantalang nasa loob naman sila Jane na abala sa pagluluto dahil nagprisinta ang mga ito na sila na ang bahala sa pagkain.

"Ako lang ba o parang napapadalas ang pagsusungit ni Maria sayo?" Tanong ni Andrei kay Jam ng bumilog na kami sa ginawang bonfire.

"Ito naman puro 'ako lang ba' ang linyahan," naiiling na sabi ni Jerome.

"Nag-aaway kami," sagot ni Jam kaya napatingin sa kanya lahat. "Lately palagi na lang siyang galit sa akin."

"Baka naman may nagawa ka?" Usisa ni Winston. "Kase 'yang mga 'yan hindi naman 'yan magagalit kung wala kang ginawa, well yes magagalit din pala sila kapag wala kang ginawa."

"Girls and their crazy mind." Naiiling na kumento ni George.

"Hindi ko alam, kapag tinatanong ko palaging sagot sa akin e wala pero galit naman." Dagdag ni Jam.

"Baka naman kulang kayo sa maayos na komunikasyon?" Tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot ang noong tanong din niya.

"You see, minsan kailangan din nating matutong makinig kapag kailangan nila at matutong mag-express ng nararamdaman o magsabi ng iniisip natin para maintindihan nila tayo."

Napa-thumbs up si Rio at Winston. "Tama, tama." Napapatangong sang-ayon nila.

"Pero hindi ako vocal." Dahilan niya.

"It doesn't matter, kung gusto mong maayos ang problema mo kailangan mong matutong makipag-communicate sa kanya ng maayos."

"Hindi dahilan na hindi ka vocal, fiancè mo 'yon, makakasama mo hanggang pagtanda tapos simpleng kausapin siya para pakinggan hindi mo magawa kasi hindi ka vocal?" Seryosong sabi ni Grandell.

"Why don't you just call off the engagement? Since you don't have the balls to treat her well, pinahihirapan mo lang si Maria." Dagdag pa ni Grandell kaya napataas ang kilay ni Lorenzo.

"Gago ka ba? Akala mo ba ginusto ko 'to? Pinilit lang nila ako!" Inis ng sabi ni Jam.

"That's not a valid reason for you to be jerk!" Inis ding sagot ni Grandell. "Hindi purket napilitan ka e ita-trato mo ng parang basura! May nararamdaman din naman 'yong tao! Huwag kang maging gago!"

Napakurap-kurap kami at hindi nakaimik dahil iyon ang unang beses na nawala ang pagiging kalmado ni Grandell.

"Nararamdaman," natawa si Jam. "Bakit hindi mo na lang aminin na gusto mo siya kaysa binubungangaan mo ako tungkol sa lintik na nararamdaman na 'yan!"

"Napakakitid ng utak mo!" Galit ng sigaw ni Grandell saka tumayo at akmang papasok na sa loob ng tumayo din si Jam saka sinugod siya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Sigaw din ni Jam habang hawak sa collar ng shirt si Grandell.

"Teka! Hoy!" Natatarantang sigaw ni Rio, agad kaming lumapit para pumagitna sa dalawa na nagsusukatan na ng tingin.

"Totoo naman ang sinabi ko, kung hindi makitid ang utak mo edi sana naiintindihan mo siya!"

"Talagang-"

"Anong nangyayari dito?!" Gulat na sigaw mula sa may pinto, bago pa kami makalingon kung sino iyon ay nakita na lamang namin si Maria na sumulpot saka winakli ang kamay ni Jam na nakahawak sa collar ni Grandell.

"You okay?" Nag-aalalang tanong niya kay Grandell dahilan para walang makaimik sa aming lahat, maging si Jam ay nagulat dahil ni hindi siya pinansin ng babae.

HappinessWhere stories live. Discover now