CHAPTER XXXII: LIPS

82 36 0
                                    

🍯🍯🍯

Hindi nagtagal ay para bang mas naging malala ang sitwasyon nilang dalawa, ni wala ng oras sa kanya si Carlos at ni hindi na sila nagkikita kahit pa nasa iisang eskwelahan lang.

"Ano 'yan, younger version mo?" Natatawang puna ni Andrei, ipinasuot ko kasi kay Aldrine 'yong pinagliitan kong uniporme para maisama ko siya sa eskwelahan. Ilang araw na ring sa akin siya palaging nakadikit, halos sa bahay na nga ito maglagi at matulog.

"Am I more handsome?" Tanong ng bata saka nagpogi sign pa.

"You look so cute." Sagot nila dahilan para sumimangot ito.

"MOMMY!" Sigaw ng bata saka bumaba sa pagkakaupo at tumakbo palapit kay Jane na naglalakad.

Nang lumapit ito sa amin ay buhat-buhat na nito ang t'yanak, naupo sila sa silyang bakante sa katabi ko. Nagpatuloy naman sa kwentuhan ang lahat.

"Sorry natagalan!" Sigaw ni Princess, tiningnan namin sila at may bitbit na naman silang mga paper bags, kaldero at plato. Nang makalapit ay inilapag nila sa mesa at nag-asikaso na ang lahat, matapos makasandok ay nagsimula na silang kumain. Kumakain na rin ako ng lumipat sa akin si Aldrine.

"Uncle may nabibilhan ba dito ng ice cream?" Tanong niya pero bago pa ako makasagot ay sinubuan na siya ni Jane para matahimik.

"Puro ka matamis, pagsumakit ang ngipin mo iyak ka panigurado." Sabi ng babae saka kumain.

Bumaling siya sa akin at nagsususmbong na humawak sa braso ko. "Uncle oh!"

Pinainom ko siya ng tubig. "Kung gusto mong mabungi, kumain ka ng matatamis."

Sumimangot siya. "Ngayon magkakampi na kayo?"

"Kase tama ako." Sagot ni Jane.

"Uncle." Nagpapaawang tawag niya.

"Tama daw siya, kiddo." Hindi na siya umimik, matapos kumain ay yumakap siya sa akin at di nagtagal ay nakatulog. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan.

"Hindi magtatagal tataba ang batang 'yan, laging tulog matapos kumain e." Puns ni Kristel

Nagligpit silang lahat at nag-ayang pumunta sa parking lot pero nagpaiwan na lang ako dahil tulog pa ang bata.

"Jane."

"Hmmm?"

"Kamusta kayo?"

Napabuntonghininga siya. "Hindi ayos. Lagi siyang busy, last time nag-cancel siya kase may gagawin daw siya."

"As expected."

Nangalumbaba siya. "Now, gusto niya daw ng cool off muna."

"And?"

"And so I let him." Tiningnan nuya ako. "Mukha bang magmamakaawa ako?" Tumawa siya. "Hindi pa ko nababaliw."

"Mabuti naman."

Humarap siya sa akin. "Pupunta ka sa acquaintance party?" Inayos niya ang polong suot ni Aldrine, umiling ako kaya napatingin siya sa akin. "Bakit?"

"Wala naman akong gagawin doon."

"Pero pupunta ang buong barkada."

"Pag-iisipan ko."

Napabuntonghininga siya. "Sabagay, ang hassle kasi need pa ng outfit tapos bukod doon need din na may partner." Sang-ayon niya saka naglabas na lang ng libro at ilang gamit.

"Sinapian ka ba?" Birong tanong ko kaya napatingin siya sa akin. "Nagbabasa ka ng libro."

"Wala akong choice." Ipinakita niya ang nakasulat sa papel. "Kailangan kong magbasa para maipasa ang analysis ko."

HappinessWhere stories live. Discover now