CHAPTER XXII: IRRESISTIBLE

97 64 0
                                    

🍯🍯🍯

Araw ng sabado ng sumugod si Jam sa bahay, nag-aaya uminom marahil ay naghahanap ng makakausap.

"Tingin mo anong dapat kong gawin?" Tanong niya, inilapag ko sa mesa ang chips saka naupo sa katabi niya.

"Tungkol saan?"

"Maria." Tipid na sagot niya na para bang iyon na ang pinaka-clue sa lahat para maintindihan 'ko ang problema n'ya.

Binuksan ko ang hawak na beer. "Alam mo pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Saglit ko siyang sinulyapan at nakita ko na naman na parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura niya.

"May na-receive akong letter mula kay Marissa."

"Oh?"

"Ibinilin niya sa akin si Maria."

Napabuntong hininga ako. "Sundin mo na lang, lalo na ngayong hindi maganda ang lagay niyo ng mga kaibigan niyo."

Uminom siya sa bote ng beer na hawak pagkatapos ay bumuntonghininga. "Masisisi mo ba ako?"

Hinawakan ko siya sa balikat. "Gawin mo kung anong sa tingin mong tama."

"Gusto ko ng tapusin lahat ng ito."

"Kaya nga gawin mo na kung anong tama."

Binangga niya ang balikat ko ng mukhang may maalala. "Kamusta ka naman dito?"

"Ayos lang."

"Pasensya ka na kung nagviral." Humawak siya sa baba at hinimas iyon. "Hindi talaga maiiwasan 'yon lalo na't ang gwapo ko sa video."

Napailing-iling na lang ako at hinayaan siyang magyabang, tungkol lang naman kasi iyon sa pag-viral ng video namin na magkakasama noong debut ni Jane, naka-abot iyon kay Daddy at grounded ako as punishment.

Pagkatapos ng tig-isang bote ng light beer ay nagpaalam na rin siyang uuwi, inihatid ko siya sa labas.

"You sure 'di ka maliligaw?" Tanong ko ng nasa gilid na kami ng daan at nag-iintay ng masasakyan niya.

"Bro, isang bote lang ang ininom natin hindi isang case," naniningkit ang mga matang tiningnan niya ako. "Alam mo may napapansin ako sayo."

Napataas ang kilay ko. "Ano?"

"Ikaw," itinuro niya ako. "Simula ng malaman mong iisa si Jane at Emerald naging maaalalahanin ka na sa akin, napapansin ko."

Hindi ako umimik at sumaltak lang, inakbayan niya ako. "Sumisipsip ka ba sa brother-in-law mo?" Pang-aasar niya pero hindi pa rin ako nagsalita, ipinara ko siya ng taxi. Binitawan na niya ako ng huminto iyon sa harap namin. "Oh siya, alis na ko ayaw mo naman akong kausapin e!" Paalam niya.

"Ingat." Tanging sabi ko, umatras ako ng bahagya at inintay munang makaalis siya bago ako bumalik sa loob.

Abala ako sa pag-aaral ng sumunod na gabi ng mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng table, unknown number iyon na tumatawag. Kunot ang noo na sinagot ko iyon pero hindi ako umimik.

["Kuya?"]

Napatuwid ako ng upo saka tiningnan ang nakalagay sa Caller ID. "Jane?" 'Di siguradong sambit ko, narinig kong para bang nakahinga siya ng maluwag mula sa kabilang linya.

["Yes, this is your cutest baby girl."] Sagot niya na ikinahawak ko sa sintido ko, baby girl huh.

"Napatawag ka?"

["Sungit mo talaga, 'di ka kasi naka-online andami-dami ko ng message hindi mo pinapansin! Lagi ka na lang ganyan konti na lang masasapak na kita, nakaka-"]

HappinessWhere stories live. Discover now