CHAPTER L: SECRET

62 4 0
                                    

🍯🍯🍯

"Nasaan si Jane?" Bungad na tanong ko ng makarating ako sa student park at nakita ko roon ang barkada.

"Bakit sa amin mo hinahanap ang jowa mo?" Takang tanong ni George.

Napakunot ang noo ni Jam, "Akala ko ba magkasama kayo? Maaga siyang pumasok kanina kasi daw may pupuntahan kayo e," dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi bale na," sambit ko, "Baka nandyan lang 'yon."

"Ayan tayo e, saglit lang mahiwalay hinahanap agad," naiiling na sabi ni Andrei.

"Hanapin ko muna," paalam ko saka lumakad na palayo doon.

Muli kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan siya ngunit hindi niya sinasagot iyon dahilan para lalong mapakunot ang noo ko. Simula pa kaninang umaga ay hindi ko siya makausap, hindi niya sinasagot ang tawag ko at ni hindi ko rin alam kung nasaan siya. Hindi nga kami sabay pumasok dahil sabi niya kagabi, mayroon daw siyang aasikasuhing importante tapos ngayon ang paalam niya ay ako ang kasama niya. Mas lalo tuloy akong nagdududa sa ginagawa niya.

Napabuntonghininga ako saka pumasok sa susunod na subject, pagsapit ng dismissal ay hindi na ako nakatiis. Mabilis na iniligpit ko ang gamit ko, hahanapin ko na siya kaysa naman maghintay ako ng ganito katagal. Lumabas ako ng building at naglakad pa-diretso sa gate ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay nakita ko siyang naglalakad pasalubong sa akin, may ngiti man sa mga labi niya ngunit halata naman ang pamamaga ng mga mata niya dahilan para makaramdam ako ng pag-aalala.

Mabilis ang lakad na sinalubong ko siya, "Hey," sambit ko ng makalapit saka agad na niyakap siya.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ko saka pinagmasdan ang mukha niya.

"Hiii," bati niya saka tumango, "Ayos lang ako."

"Saan ka ba nanggaling? Bakit namamaga ang mga mata mo?"

Umiling siya, "D'yan lang, may kailangan lang asikasuhin," sagot niya.

"Ano ngang inasikaso mo?" Tanong ko, "Ang sabi mo may importante kang aasikasuhin pero ang paalam mo sainyo ay magkasama tayo. Ano ba talagang ginagawa mo?"

Napabuntonghininga siya, "Sorry, hindi ko kasi pwedeng sabihin ang totoo kaya ganoon ang ipinaalam ko."

"Pati sa akin?"

Hindi siya umimik kaya napasaltak ako, "Mabuti pa, umuwi na tayo," aya ko saka kinuha ang bag niya at binitbit. Hinawakan ko siya sa kamay at iginiya paalis doon.

"Handrex," tawag niya pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan habang naghihintay kami ng masasakyan.

"Po?"

"Kapag ba may itinago ako sayo, magagalit ka?"

Napatingin ako sa kanya ng marinig iyon, "Anong ibig mong sabihin?"

"Magagalit ka ba kapag may isinikreto ako sayo na mahalaga?"

"Depende," sagot ko.

"Paanong depende?"

"Kung deserve ko namang hindi malaman, siguro'y wala akong karapatang magalit, lalo na kung ang dahilan mo naman ay para sa ikabubuti ko, hindi ko kayang magalit."

Tiningnan niya ako, "Kunwari, tataguan kita ng anak, magagalit ka ba?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tataguan mo ko?" Ulit ko.

Tumango siya, "Tapos ang rason ko, ayokong mawala lahat ng meron ka. Magagalit ka ba pagnalaman mo?"

"Anong iniisip mo?"

HappinessWhere stories live. Discover now