CHAPTER XVIII: TWENTY-ONE

117 66 0
                                    


🍯🍯🍯

Nakatanggap ako ng text mula kay Lorenzo pagsapit ng hapon, hihintayin na lang daw niya ako sa labas ng venue kaya naman pagdating ko doon ay siya agad ang bumungad sa akin.

"Bro!" Bungad niya habang patakbo na lumapit sa akin ng makababa ako ng jeep.

Huminto siya sa harap ko habang proud na pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Problem?" Kunot ang noong tanong ko na agad niyang inilingan saka siya nag-thumbs up.

"Pormang-porma tayo ah, bagay bro!" Hindi ko siya inintindi at tumuloy na ng lakad patungo sa entrance. "Ngayon lang kita nakitang ganyan, tingin ko dapat mas dalasan mo pumorma bro para naman mapansin ka na-"

"-shut up." Putol ko sa litanya niya saka iniabot sa security 'yong invitation card. Matapos tingnan iyon ay pinapasok na kami sa loob.

"Ito naman, gusto ko lang na mabihag ng kagwapuhan mo si Emerald kaysa si Carlos ang lagi n'yang kadikit."

"Nand'yan na?"

"Si Carlos? 'Di ko sure, parang wala pa."

Hindi ako umimik, bago pa makarating sa main venue ay nakasalubong na namin sila Grandell na palabas.

"Oy andito na pala kayo!" Sigaw na bati ni Alfresco na ng huminto sa harapan ko ay pinasadahan agad ng tingin ang itsura ko. "Hindi ka nasabihan?"

"Tungkol saan?"

"Blue ang motif man, pink is for women."

"Okay naman ang itsura ah!" Singit agad ni Lorenzo pero tumawa lang si Alfresco.

"Out of place bro, halatang-halata na nga na Cruise ka tapos 'di ka pa sumunod sa motif."

"That's too much." Saway ni Grandell. "Mabuti pa pumasok na tayo sa loob." Aya niya, hinawakan ni Lorenzo si Alfresco at kinaladkad na papasok sa loob. Sinabayan naman ako ni Grandell maglakad.

"Alam mo 'di ba?" Tanong niya ng kami na lang, tumango lang ako bilang sagot. "Then why wear pink?"

"4 years ago, she told me she wants to see me wearing this color for her birthday."

"Pero hindi ka niya naaalala, sabi mo nalimutan niya maski ang pagiging mahilig mo sa libro na alam n'ya noon. Why do you have to fulfil her wish at isangla ang dignidad mo ngayon?"

Nagkibit-balikat ako. "It doesn't matter, whether she remember or not. What matter the most is that I fulfilled her wish."

Napabuntonghininga na lang siya at hindi na nagkumento pa, pagpasok namin sa main venue napatingin agad sa amin ang lahat ng naroon lalo na sa akin. Alam ko namang hindi lang dahil blue ang lahat at pink ang suot ko kundi dahil katulad ng sabi ni Alfresco, halata namang Cruise ako na para bang hindi na kailangang sabihin pa dahil alam na agad ng lahat kung sino ako.

Hindi umiimik si Grandell, diretso lang ang lakad at walang pakealam sa lahat ng nakapaligid sa amin bagay na siyang gusto ko sa kanya hindi katulad ni Alfresco na para bang nag-eenjoy pa sa spotlight. Malapit na kami sa pwesto nila Lorenzo ng sumulpot si Jam at walang babalang inakbayan ako dahilan para magsimulang magbulungan ang lahat.

"Buti naman dumating ka na! Iniintay kita!" Bungad niya.

"Problem?"

"Kailangan ko ng tulong mo." Bumaling siya kay Grandell. "Man, hiramin ko muna itong loverboy natin ha." Paalam niya na tinanguan lang ng lalake, matapos 'yon ay hinila niya agad ako palayo sa lahat. Hila-hila n'ya ako hanggang sa makalabas kami.

"Gwapo naman natin sa suot," puna niya ng mapagmasdan ako. "Saktong-sakto, 'yong prinsesa mo kailangan ng knight in shining armor."

"Bakit?"

HappinessWhere stories live. Discover now