CHAPTER XXVIII: WITNESS

74 43 0
                                    

🍯🍯🍯

"Naalala mo, no'ng dinala mo ko kanila Grandell?" Panimula niya matapos sumeryoso na siyang tinanguan ko lang. "Pagkatapos mo kong ihatid sa kwarto, nasa loob na ako ng maalala kong hindi pala ako nakapagpasalamat sainyo kaya sumunod ako sayo pababa pero naabutan ko kayo sa loob na ng kusina, babalik na sana ako sa itaas kaya lang napansin kong umilaw ang cellphone na naiwan sa mesa sa sala, kay Lorenzo pala iyon at ang dahilan ng pag-ilaw ng cellphone ay dahil may text na pumasok, galing ang mensahe kay Chelsea."

"Chelsea...." agad na napakunot ang noo ko, "...'yong step sister mo?"

Napaungko siya sa tuhod niya. "May koneksyon pala sila."

"Kaya pala marami siyang nalalaman."

"Base sa mensahe ni Chelsea ay pinipilit siyang ituwid ni Lorenzo, pinipilit niyang makinig sa kanya ang babaita. Sa dami ng palitan ng mensaheng nakarehistro, naisip kong baka matagal-tagal na rin ang koneksyon nila. Hindi man nakinig sa kanya si Chelsea at nagpatuloy sa plano, pinilit niyang i-send kay Lorenzo ang mga hint ng mga mangyayari."

"Nakausap mo na si Loren?"

Tumango siya. "Noong una, humingi siya ng tawad dahil alam niya pala ang nangyayari pero hindi siya umiimik. Ganoon pa man, sinigurado niya naman sa akin na hindi pa nagagalaw ang barkada dahil hindi na nga raw magkasundo si Eracha at Chelsea."

"Paano mo nalamang kapatid siya ni Andrei?"

"Naalala mo no'ng 21 birthday ko?" Tumango ako bilang sagot. "Nakita ko silang nag-uusap, pauwi na noon ang barkada at ilan na lang tayong natira sa mesa tapos nagpaalam si Andrei na mauuna na kasi may susunduin pa raw siya, 'di ba agad na tumayo si Lorenzo at sumunod na nagpaalam ilang minuto lang ng makaalis si Andrei?"

"Anong meron?"

"Nagpunta ako no'n sa cr 'di ba? Nadaanan ko silang dalawa, nagtatalo tungkol sa isang babae. Noong una akala ko magkaribal sila pero tinawag ni Lorenzo si Andrei na kuya, narinig ko ring nagbanta si Andrei na isusumbong si Lorenzo sa daddy nila kapag hindi nakinig sa kanya."

"Tapos?"

"Tapos sumunod ka kaya hindi ko na narinig pa ang ibang bagay, hindi na rin ako nagpahalata dahil na-gets ko agad na marahil kaya doon sila nag-uusap ay dahil sikreto ang ugnayan nila."

"Gulat na gulat sayo si Lorenzo, ni hindi niya alam na alam mo na pala."

Nag-isang linya ang mga labi niya at gumuhit ang nagyayabang niyang ngiti. "Ako pa ba?"

"Jane," flat na sambit ko. "Nagkataong nadaanan mo sila." Paalala ko kaya bumagsak ang mga labi niya at sinimangutan ako.

"Basag trip ka talaga lagi!" Hinampas niya ako. "Ayoko na ngang magkwento."

"So kaya niya alam ang tungkol sa numbers sa hyacinth ay dahil nakakausap niya si Chelsea?" Balewalang tanong ko kahit pa sinabi na niyang ayaw na niyang magkwento, wala naman sa loob na tumango siya. "Tapos?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Tapos nagkausap kami, ipinaliwanag niya sa akin lahat. Sa kaniya ko nalaman lahat ng plano nila Chelsea, at..." alanganin siyang ngumiti, "...magagalit ka ba kung sinadya kong sumugod?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang totoo niyan, wala akong plano."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wala kang plano?"

Tumango siya. "Hindi ko na inisip kung anong tamang plano ang kailangan basta matapos kong malaman mula kay Lorenzo na nagdadalawang isip na si Chelsea sa pinasok niya ay sumugod na ako."

HappinessWhere stories live. Discover now