CHAPTER XXXVII: CARE

57 22 0
                                    

🍯🍯🍯

Kinaumagahan ko na siya muling nakita ng lumabas siya sa kwarto. "Goodmorning," bati ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit hindi ka pa umaalis?"

Napasimangot ako. "Jane, bakit parang bumalik ka sa pagiging maldita?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, kung ano man 'yang ginagawa mo tapusin mo na ng makaalis ka na."

"May lakad ka ba? Nagmamadali ka ata masyado." Biro ko pero hindi niya ako inimik, napabuntonghininga ako. "Halika na, mag-almusal."

"Ayoko," walang emosyong sabi niya saka pinagulong ang gulong ng wheelchair niya, napasaltak ako saka lumapit at binuhat siya. "Handrex!" Tili niya saka hinampas ako.

"Hindi ako pumunta dito para lang sungit-sungitan at malditahan mo, nandito ako-"

"-hindi kita kailangan!" Muli niya akong hinampas. "Ibaba mo ko!"

Napangisi ako. "Mababalian ka ng likod kapag ibinaba kita, Jane."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tinatakot mo ko?!"

Napasimangot agad ako. "Sinasabi ko lang," inilapag ko siya sa silya saka inayos ang pagkain.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Masungit na tanong niya, ni hindi pa rin ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

"Wala," seryosong sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. "Bukod sayo, wala na kong kailangan."

Napabuntonghininga siya. "Akala ko ba sleep over lang?"

Napahinto ako sa pagsubo ng kanin at saglit siyang tiningnan. "Hindi ba pwedeng mag-extend? Hindi ako pwede sa bahay e."

Tumikwas pataas ang kilay niya. "At bakit na naman?"

"Pinalayas ako," napangiwi ako. "Nag-away kami ni Daddy."

"Oh tapos?" Hindi interesado ang tono ng boses na tanong niya.

"Grabi ka sa'kin," iminuwestra ko ang pagkain sa harap niya. "Huwag mong sabihing sasayangin mo lang 'yan? Ipinagluto kita tapos-"

"-shut up." Masungit na sabi niya saka nagsimula na ring kumain.

Napangiti na lang ako kahit pa parang bumaliktad ang mundo, siya na itong palaging seryoso at sinusungitan ako.

"Bakit hindi mo na lang ibaba 'yang pride mo at makipagbati ka sa Daddy mo?" Tanong niya pagsapit ng tanghali at nasa sofa siya habang abala sa laptop niya samantalang gumagawa ako ng academic requirement ko sa lapag.

"Concern ka-"

"-hindi," agap niya. "Makipagbati ka na ng lumayas ka na dito, naaalibadbaran ako pagnakikita kita."

Napalabi ako saka nilingon siya. "Hindi mo na ko love?"

Tumikwas na naman ang kilay niya pataas na ikinatawa ko. "Shut up." Inis na sabi niya, buong araw ay wala siyang ibang ginawa kundi subukang palayasin ako pero hindi pa rin ako natinag.

"Hindi ka ba napapagod? Matulog ka na kaya." Puna ko ng muli niya akong sabihan na lumayas na.

"Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita bukas ng umaga." Mataray na sabi niya saka pumasok na sa loob ng kwarto pero ipinagkibit-balikat ko lang iyon. "HANDREX!" Malakas na sigaw niya kinabukasan ng makitang hindi pa rin ako umaalis.

Napatawa ako. "Goodmorning!" Nakangiting bati ko pero binato niya ako ng unan. "Ganda naman ng bati mo, halika na mag-almusal na tayo." Balewalang sabi ko saka itinulak ang wheelchair niya palapit sa dining table, binuhat ko sya at inilipat sa silya, hindi katulad kahapon ay hindi na siya kumikibo ngayon.

HappinessWhere stories live. Discover now