CHAPTER XL: FIRST

68 17 0
                                    

🍯🍯🍯

"Ayoko ng makita ka, gusto ko ng mawala ka sa buhay ko."

Iyon ang eksaktong mga salitang nakasulat sa papel ng araw na iyon, ang mismong mga salitang hinihiling niyang tuparin ko.

At kahit ilang beses ko pang lokohin ang sarili ko o piliting kumbinsihin ang puso ko na tama ang ginagawa ko, minsan hindi ko na maintindihan. Oo naiintindihan ko kung anong pinangagalingangan niya, naiintindihan kong nasasaktan siya dahil katulad ng sabi niya, pakiramdam niya palagi na lamang siyang pangalawa.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit napakahirap, akala ko noon kapag nakita ko siya at muling maging maayos ang buhay ko ay maaari ko na siyang muling makasama, wala naman akong ibang hinahangad simula noon hanggang ngayon kundi ang manatili sa tabi niya pero hindi pala ganoon kadali dahil ang kapalit ng lahat ng iyon ay ang muling pagharap niya sa traumang tinakbuhan niya noon.

Alam kong paulit-ulit ko ng tinatanong ang sarili ko kung anong pipiliin ko, ang makasama siya o ang masaktan siya at batid ko na niloloko ko na naman ang sarili ko sa isiping hindi ako makapili sa dalawa sapagkat sa tuwing itataboy niya ako, mayroon akong pagkakataong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko ginagawa dahil hanggang sa ngayon wala pa ring ibang mas mahalaga para sa akin kundi ang nararamdaman niya.

Kahit pa ramdam kong habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang lungkot na nararamdaman ko, mas lalong nagiging matindi ang pangungulila. Para bang hindi pa rin iyon sasapat bilang rason upang mas piliin kong makasama siya kaysa sa huwag siyang masaktan.

Kaya naman pikit-mata, labag man sa tunay na nais ng puso ko ay tinupad ko ang hiling niya, hindi na ako lumapit pa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning tiisin, iniisip ko na lang na mas mabuti ng ako ang nahihirapan kaysa muli niyang naranasan ang sakit na dulot ng nakaraang nilimot niya.

"May welcome back party si Lily mamaya, sasama daw si Hannah." Inakbayan ako ni Jam. "Sumama ka ha,"

Inalis ko iyon. "Pass," tipid na sabi ko saka tinuloy ang pagbabasa.

Napabuntonghininga siya. "At sa isang iglap parang bumalik tayo sa dating gawi." Naiiling na sabi niya. "Bumalik ka na naman sa pagiging walang puso, isipin mo 'yon ni-reject mo si Shiella. Take note pang-ilang attempt na niya 'yon pero rejected pa din."

"Shut up,"

"Kawawang babaita," sambit niya.

"Wala akong pakealam kahit umabot siya ng ilang libong beses, hindi ako interesado."

Napatango siya. "Alam ko naman, sa isang babae ka lang interesado kaso naman bro, magkakagusto ka na lang doon pa sa malakas ang saltik kung hindi ba naman tanga si Ella, hindi pa rin makuha-kuhang siya nga si Emerald, lintian!" Animo'y stress na sabi niya.

Isinara ko ang libro saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Kung wala ka ng kailangan, makakaalis ka na." Seryosong sabi ko saka umakyat sa itaas at tinungo ang kwarto ko.

Lumipas ang mga araw at mula sa welcome party ay para bang naging delubyo iyon dahil bigla na lamang isinugod sa hospital si Lily, pagkatapos no'n ay na-confine na ito at nanatili doon.

Napabuntonghininga ako saka tumuloy sa paglakad habang bitbit sa isang kamay ang basket na naglalaman ng mga kailangan niya, pangatlong beses ko ng ginawa ito ngayong buwan simula ng siya na ang magbantay kay Lily sa hospital.

Maingat kong binuksan ang pinto at lumakad papasok, walang ingay na inilapag ko ang basket sa mesa. Tahimik na ang buong paligid dahil gabi na, kung hindi nga lang kakilala ni Winston ang doctor na naka-duty tuwing gabi ay hindi ako makakapasok dahil bawal ang bisita sa gabi.

HappinessWhere stories live. Discover now