CHAPTER XLII: AT PEACE

70 13 0
                                    

🍯🍯🍯

Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami sa gilid ng daan pabalik sa bahay nila dahil ayaw na niyang sumakay pa ng taxi, ang katwiran niya kasi malapit lang naman daw at huwag na akong magsayang ng pera na siyang ikinabuntonghininga ko, gustuhin ko mang kumontra ay pinagbigyan ko na lamang siya.

"LOOK!" Sigaw niya saka hinila ako para tingnan ang tinuturo niya.

"Jane, you don't have to shout. Gabi na," saway ko, napangiwi siya saka ibinaba ang kamay.

"Sorry," sambit niya saka tumahimik.

Napasaltak ako. "Hey, wala akong sinabing hindi ka pwedeng magsalita. You just need to lower your voice at marami ng natutulog ng ganitong oras."

"Oww, my bad." Bawi niya saka muling humawak sa akin. "Akala ko nagagalit ka kasi ang ingay ko e."

"No, I'm not mad. You can be as loud as you want pero hindi sa lahat ng pagkakataon, you can be yourself without disturbing others."

Tumango siya. "Gets," sabi niya saka nag-thumbs up bago muling itinuro 'yong iniingay niya kanina. "Tingnan mo 'yon, ang ganda," puri niya sa nagliliwanag na bituin sa langit.

Napangiti ako. "It shine as bright as you,"

Napatingin siya sa akin. "As bright as me?"

"Yes,"

Kumunot ang noo niya. "Paanong ako?"

"Katulad mo," tiningnan ko 'yong bituin. "Kahit pa gaano kadilim, nananatili kang maliwanag at nagbibigay ng pag-asa sa lahat."

"Hindi naman madilim," kontra niya kaya napatingin ako sa kanya, napailing na lang ako ng makitang sinisilip niya ang kili-kili niya. Natatawang bumaling siya sa akin kaya napatawa na rin ako. "Hindi talaga," ulit niya.

"Silly," pinitik ko ang noo niya. "Hindi 'yan ang tinutukoy ko."

Napapikit siya at napadaing saka ininda iyon, tiningnan niya ako ng masama ng makabawi. "Ansakit mong mamitik!" Reklamo niya saka nag-open arms kahit pa nakasimangot siya habang tinitingnan ako ng masama.

Lumapit ako at mag-lean, agad niyang ipinulupot ang mga braso sa leeg ko saka pabirong sinakal ako. Napasaltak lang ako saka binuhat siya, agad siyang napakapit sa akin at napatili. Hindi nagtagal ay isinandal na lang niya ang ulo sa may balikat ko saka dumaldal ng dumaldal.

"So, that's the reasons why you thought that I send you mixed signals?" Salubong ang kilay na tanong ko ng marinig ang kwento niya.

"Oo, gawin mo ba naman push and pull na pinto e." Umirap siya. "Susungitan mo ko ngayon tapos bukas bati tayo at ang babait mo, minsan ang lambing-lambing mo tapos bigla ka na lang mawawalan ng pakealam sa akin na para bang hindi na naman tayo okay. Nakaka-frustrate!" Reklamo niya na ikinatawa ko.

"Jane-"

"-Monday, ipaparamdam mong special ako tapos pagdating ng Tuesday wala ng pakealam sa akin, Wednesday ramdam kong may gusto ka pero pag-Thursday na parang isinusuka mo ko. Pag-Friday, okay tayo tapos Saturday balik dedmahan na naman!" Sumimangot siya. "Buti pa nga 'yong isang linggong pag-ibig ni imelda papin may isang patutunguhan, ikaw wala! Pabago-bago," tuloy-tuloy na rant niya na pinakikinggan ko lang habang naglalakad.

Hindi nagtagal ay sumiksik na siya sa akin. "Ewan ko sayo," inis na sabi niya saka yumakap na lang at pumikit.

"Jane," tawag ko.

"Hmm?"

"Have you heard about the meaning of mixed signals?"

"That if someone sends you, it means they aren't sure on you?"

HappinessWhere stories live. Discover now