CHAPTER LI: 10PM

87 2 0
                                    

🍯🍯🍯

"Handrex, buksan mo 'yong pinto." Rinig kong mahinang utos niya ng maalimpungatan ako dahil sa pangangalabit niya.

Iminulat ko ang mga mata ko bago ako umupo at tiningnan siya, nagtalukbong siya ng kumot at yumakap kay Aldrine na mahimbing pa rin ang tulog.

Napabuntonghininga ako saka bumangon na ng tuluyan at lumabas ng silid, diretsong tinungo ko ang pinto.

"Sino 'yan?" Tanong ko habang binubuksan iyon, pagkabukas naman ay bumungad sa harap ko si Maria dahilan para mapakunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo rito?"

"Atleast I have to say goodbye before I'll go?" Patanong na sagot niya.

Napabuntonghininga akong muli saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para hayaan siyang makapasok.

"Nasaan sila?" Takang tanong niya matapos iikot ang tingin sa buong unit, "Tulog na?"

Tumango ako, "Gisingin ko."

Nag-thumbs-up naman siya, "Ako na kay Kristel." Prisinta niya kaya tumuloy na ko sa silid kung nasaan si Jane.

Paglapit ko sa kama ay naupo ako sa gilid niya, "Jane,"

"Hmmm?"

"Dumating si Maria."

"Bakit dawwww?"

"Magpapaalam," sagot ko na agad niyang ikinabangon.

"A-Alis na talaga s-siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya na tinanguan ko dahilan para agad siyang bumaba ng kama saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naiiling na inayos ko ang kumot ni Aldrine bago sumunod sa kanya, sa sala ko na silang tatlo naabutan. Nakaupo sila sa sofa habang nakayakap si Jane kay Maria at panay naman ang bilin ni Kristel sa babaeng aalis na.

"Alam kong hindi na mababago ang pasya mo pero bumalik ka pag-bibinyagan na 'to ha!" Dagdag na bilin ni Kristel.

Napatango naman si Maria, "Oo naman, sabihan mo lang ako kung kailan."

Imbis pakinggan sila ay pumasok ako sa kusina at kumuha na lamang ng midnight snacks na pwede nilang pagsaluhan habang sinusulit ang oras, pagbalik ko ay tahimik sila habang nakasandal ang mga ulo sa magkabilang balikat ni Maria at nakatitig sa kawalan.

Inilapag ko sa mesa ang tray bago kinuha ang cellphone sa patungan, "Picture?" Tipid na aya ko dahilan para mapabaling ang atensyon nila sa akin, sabay-sabay silang tumango bago umayos para humarap sa akin.

"1...2...3, smile." Sambit ko bago tuluyang pindutin ang button, umabot din iyon sa tatlong shots bago sila bumaling sa snacks at nagkwentuhan, kaya naman bumalik na ako sa kwarto.

Mahigit dalawang oras ang lumipas bago bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad si Jane.

"Aalis na si Maria, samahan mo ko?" Aya niya kaya agad naman akong tumayo at lumapit. Sumunod ako sa kanya hanggang sa paghatid sa sakayan kay Maria, kaming dalawa na lang ang magkasamang naghatid dahil hindi na lumabas si Kristel para sumama dahil mahamog na rin.

Pagdating namin sa gilid ng daan ay ipinagpara siya ni Jane ng taxi, pagkahinto no'n ay binuksan niya ang pinto bago bumaling kay Jane at yumakap ng mahigpit. Pagkabitaw niya ay lumapit na siya sa pinto at akmang papasok na ng bumaling sa akin.

"Salamat sa lahat." Nakangiting sabi niya na siyang tinanguan ko lang kaya tumuloy na siya sa pagpasok at hindi nagtagal ay umalis na ang taxi.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Jane ng mapansin kong nanginginig ang kamay niya, hinawakan ko 'yon at ng humarap siya'y niyakap niya ako ng mahigpit.

HappinessWhere stories live. Discover now