CHAPTER XLIV: TOXIC-HEALTHY

67 13 20
                                    

🍯🍯🍯

"Ayos ka lang?" Tanong ko ng makita ko siyang tahimik na nakaupo sa duyan habang malayo ang tanaw, naglakad ako palapit sa kanya. Paghinto ko sa harap niya ay iprinisinta ko sa kanya ang spaghetti na niluto ko, tinanggap naman niya iyon.

"Salamat," tipid na sabi niya.

Ngumiti ako. "Tawagin mo ko kapag may kailangan ka," paalala ko bago akmang hahakbang na palayo ng hawakan niya ako sa braso dahilan para muli akong mapaharap sa kanya.

"I...need you," mahinang sambit niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. "Can I have you?"

"Of course," walang pag-aalinlangang sagot ko saka lumapit sa kanya at nag-open arms. Tahimik na yumakap siya sa akin habang nakaupo pa rin sa duyan at nakatayo ako sa harap niya. "Gusto mo bang pag-usapan?" Tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin saka umiling at dinampian ako ng halik sa labi. "Whatever your reason is, I'll still wait for you." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Jane...."

"Naisip ko lang, it doesn't matter anymore whether you'll court me or not." Sambit niya saka hinawakan ang pisngi ko. "What matter the most is that at the end of all of this, I still have you."

Hindi ako nakaimik ng marinig iyon, hanggang sa pagsapit ng gabi ay hindi ako makatulog kaiisip. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame habang mabagal na tumatakbo ang oras sa relong suot ko. Napasaltak ako saka naupo, tiningnan ko ang relong suot ko at pasado alas nueve na ng gabi.

Tumayo ako at bumaba sa kama, wala rin naman akong mapapala kung mananatili akong nakatitig sa kisame buong gabi dahil hindi naman ako makatulog. Lumabas ako ng silid at bumaba sa kusina, madilim na sa sala ng dumaan ako dahil patay na ang ilaw. Wala naman na kasing tao, lahat sila ay nasa kanya-kanya ng silid.

Pagpasok ko sa kusina ay tiningnan ko kung anong naroon, kumpleto pa ang groceries kaya kumuha na lamang ako ng mga kailangan at nagsimulang magluto ngunit kahit ganoon ay pilit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Jane.

Napabuntonghininga ako saka gumawa ng pastillas habang nakasalang at hindi pa kumukulo ang niluluto ko.

Hindi ko alam kung bakit ngayong okay naman sa kanya, ngayong pumayag siya ay para bang hindi naman mapanatag ang isip ko. Hindi ako matahimik, may kung ano sa loob ko na nagsasabing mali ang lahat ng ito, mali na hiningi ko sa kanya ang bagay na iyon.

Matapos magluto pagkatapos ng ilang oras ay inilagay ko ng maayos sa basket ang lahat ng iyon saka dinala sa labas habang bitbit ang malaking sapin. Maayos na inilatag ko iyon, hindi kalayuan sa dalampasigan saka ako bumalik sa loob at kumuha ng ilang unan. Saglit kong pinagmasdan ang ginawa ko bago bumalik sa loob at umakyat sa itaas, huminto ako sa tapat ng silid kung nasaan siya saka dinukot sa bulsa ang cellphone.

Past 12pm na, hindi ko man sigurado kung gising pa siya ay sinubukan kong i-dial ang number niya. Ilang sandaling nag-ring iyon bago niya sinagot.

"Hi," Bungad na bati ko.

["Hey, napatawag ka?"] Tanong niya.

"Ahmm, can you go out?"

["Wait,"] sagot niya, tahimik na naghintay ako hanggang sa bumukas ang pinto at nakita ko siya. ["Anong problema?"] Tanong niya matapos makalabas at isara ang pinto, parehong nakatapat pa rin sa tainga namin ang cellphone.

"Can you be my date?" Lakas loob na tanong ko saka inilahad ang kamay sa kanya.

Kumunot ang noo niya. ["Date?"] Naguguluhang ulit niya na tinanguan ko. ["Saan?"] Tanong niya saka pinatay na ang tawag.

HappinessWhere stories live. Discover now