CHAPTER XLV: FLOWING MEMORY

54 12 0
                                    

Naramdaman kong yumakap siya ng maayos sa akin saka sumiksik, ipinikit ko ang mga mata ko saka nagsimulang kumanta.

"I wanna make you smile whenever you're sad...." Kasabay ng pagsambit ng liriko ang pag-agos ng mga alaalang matagal ring naisantabi.

"Matulog ka na."

"Dito?"

Tumango ako. "Bubuhatin na lang kita."

"Kaya mo?" Nagdududang tanong niya.

"Of course." Flinex ko pa sa harap niya ang kunyaring muscle ko dahilan para natatawang hampasin niya ako.

Dahil sa nakita kong lungkot sa kanya kanina habang nakatingin siya sa kisame ng buksan ko ang pinto ay para akong nakahinga ng maluwag kahit papaano ng marinig ang tawa niya ngayon.

"Baliw ka, wala naman e!" Hiyaw niya.

"Wala ba?" Tanong ko saka kunyaring may hinanap sa braso ko. "Nandito lang 'yon kanina e, asan na ba 'yong daga na 'yon?"

Narinig ko ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya.

"Carry you around when your arthritis is bad....."

Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko habang naglalakad kami, 'di pa tumatagal ay nanginginig na naman siya. Napasaltak ako at huminto.

"Pumasan ka na,"

"E..." nagdadalawang isip na tiningnan s'ya ako. "...baka malaglag ako."

"Hindi na, kesa mapagod ka."

"Sigurado ka?"

Tumango ako saka muling bumaba sa harap niya, pumasan siya sa likod ko at maingat akong tumayo habang pasan siya. Nagsimula na akong maglakad.

"All I wanna do is grow old with you.."

"May naisip na naman ako." Alanganin ang ngiti sa labing sabi niya.

Naningkit ang mga mata ko. "Ano?"

"Pagdating kaya ng araw na 'yon, magkasama pa kaya tayo?"

Napabuntonghininga ako saka isinara ang libro at tuluyang humarap sa kan'ya. "Emerald,"

Natatarantang umiling siya. "Sigi, ano..'wag mo ng sagutin."

"I already told you. I will keep you, right?" Tumango siya. "I told you, I'll stay,"

Nagbaba siya ng tingin at nilaro ang daliri. "Pero kasi...malay mo.."

"I told you, you have me for good or for bad. There's nothing to worry about."

Tiningnan niya ako. "For better or for worst?"

Tumango ako. "Till the end."

Sumimangot siya. "Handrex, it's 'till death do us part." Pagtatama niya.

Nagkibit-balikat ako. "Anything you want, kahit hanggang sa mga susunod pangbuhay."

Sumilay ang magandang ngiti niya. "So take my hand," inilahad niya ang kamay niya, balewalang hinawakan ko iyon. Hinila ko siya palapit at niyakap, muli kong binuklat ang libro.

"I'll get your medicine when your tummy aches,"

"Anong nangyari?" Nagmamadaling nilapitan ko siya ng ang iniinda niya ay ang binti niya.

"Masakit!" Daing niya ulit, agad kong hinanap sa drawer 'yong painkiller na inireseta sa kanya ng doctor saka iniabot sa kanya. Ininom niya iyon kahit pa nangingilid na ang luha sa mga mata niya, sinubukan kong pahupain ang sakit sa pamamagitan ng pagdampi ng basang bimpo sa binti niya para mabawasan iyon kahit papaano.

HappinessWhere stories live. Discover now