CHAPTER VI: RIVAL

195 90 72
                                    


🍯🍯🍯

Tatlong araw bago magpasko ng dumating na muli si Daddy mula sa pilipinas.

Halos magkagulo ang buong bahay para lang sa pagsalubong sa kanya paano ay nais ni Grandma na magpahanda na naman ng bongga kahit pa sinasabihan na siya na huwag na at ilaan na lamang iyon sa parating na kapaskuhan ay ayaw nyang magpaawat kaya heto kameng lahat nasa komedor at nakaupo sa harap ng mahabang mesa para sa salu-salong nais niya.

"Hijo, asaan na naman si Janella?" Tanong ni Grandma.

"Nasa kusina po." Sagot ko Napailing-iling siya.

"Ilang beses na ba nating pinagsabihan iyon? Ni-ayaw makinig." Sabi ni Mommy.

"Nahihiya kase 'yon Mom kaya kahit papaano ay tumutulong siya para makabayad sa utang na loob." Singit ni Hannah.

"Ewan ko ba sa batang iyon, sinabihan na natin na hindi naman na siya iba sa atin pero hayun at 'di pa din mapanatag." Sabi ni Grandpa.

"Si Kuya kase hindi sinasabihan." Paninisi ni Harry.

"Ilang beses ko ng sinabihan ayaw makinig, napakatigas ng ulo." Depensa ko.

"Pero ang bait bait kaya ni ate Janella!" Kontra sa akin ni Honey.

"Wait, 'di ko kayo maintindihan sino itong Janella?" Singit ni Daddy na kunot na kunot ang noo.

"Bagong parte ng pamilya natin darling." Natatawang sagot ni Mommy.

"Bago?" Hindi pa rin maintindihang tanong ni Daddy.

Bago pa masagot ng sino man sa amin ay biglang lumabas si Emerald mula sa kusina bitbit ang tray na may lamang pagkain. Agad ko siyang nilapitan at kinuha iyon sa kanya. "Here she is." Rinig kong sabi ni Grandma.

Tiningnan siyang mabuti ni Daddy at nang makita niyang nakatingin sa kanya ang ama ko ay parang nahihiyang tumingin ito sa akin.

"Dumating na nga pala ang daddy mo." Mahinang sabi niya.

"Yeah." Akmang babalik sya sa kusina ng pigilan ko siya.

"Tama na iyon, maupo ka na at iniintay ka nila Gramps." Tahimik na tumango siya.

Ipinaghila ko siya ng upuan saka inayos, naupo na rin ako sa katabi niya.

"Dad-"

"Dad siya si ate Janella, future ni kuya!" Putol ni Honey sa sasabihin ko habang itinuturo ang babaeng katabi ko.

"Si Honey talaga, nakakahiya." Mahinang sabi niya.

"So, you are....?" Tanong ni Daddy sa kanya.

Tiningnan niya muna ako bago sumagot. "J-Janella Emeralda Marie Salvador po."

"Salvador?" Pumait at nalukot ang mukha ni Daddy, akala mo'y nakakain ng ampalaya para maging gano'n matapos marinig ang buong pangalan ni Emerald.

"Ano man ang iniisip mo, labas d'yan ang mga bata." Babala ni Gramps.

"I know, I just can't believe that you all let this happen."

"She's kind!" Depensa ni Mommy.

"She's a good woman Dad." Halos sabay na sabi ni Harry at Hannah.

Napabuntonghininga ako lalo na ng hindi na umimik si Daddy pati na nang makita ko ang pagtataka at pagkalito ni Emerald dahil sa inaasal ng lahat. Natapos ang salo-salo ng wala ng umiimik ni isa.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Emerald at kagaya ng ginagawa namin noong mga nakalipas na araw ay magkasama naming pinanonood ang pagbagsak ng snow habang nasa veranda ng kwarto niya.

HappinessWhere stories live. Discover now