CHAPTER XXVII: HALF

71 43 0
                                    

🍯🍯🍯

Pagmulat ng mga mata ko kinaumagahan ay ang magandang mukha niya agad ang bumungad sa akin dahilan para mapangiti ako, mahimbing pa ang tulog niya habang balot pa rin ng kumot at nakaharap sa akin.

Tahimik ko lang na pinagmasdan siya hanggang sa mapalingon ako sa pinto ng may kumatok, tumayo ako at lumapit saka pinagbuksan iyon.

"GOOD-" Agad kong isinara ang pinto ng akmang sisigaw si Kris ng 'Goodmorning'. Saglit kong sinulyapan si Jane na mahimbing pa rin ang tulog bago ko muling binuksan ang pinto, salubong na ang mga kilay nila ng lumabas ako.

"Bakit pinagsarhan mo kami?!" Masama ang tinging tanong ni Jam pero pagalit iyon.

"Mahimbing pa ang tulog ni Jane." Tiningnan ko sila. "Anong kailangan niyo?"

Agap na inakbayan ako ni Alfresco. "Brad baka nakakalimutan mong nasa hospital pa kayo at hindi sa sarili niyong bahay?"

Napasaltak ako saka inalis iyon. "Alam ko, pero nagpapahinga siya siguro naman marunong kayong rumispeto ng natutulog?"

"Wooow!" Hiyaw nila.

"Bumalik-" napahinto ako ng sabay-sabay silang napatingin kay Carlos na bagong dating, may bitbit pa itong prutas habang pa-cool na naglalakad palapit sa amin. Ganoon lang at parang gusto ko na siyang upakan, agad.

Paghinto niya sa kumpulan ay agad siyang bumati pero tango lamang ang nakuha niyang sagot mula sa lahat maliban kay Alfresco.

"Kuya!" Rinig naming sigaw mula sa loob kaya bumaling ako sa pinto, akmang bubuksan ko na iyon ng maunahan ako ni Carlos. "Han-" naputol na sambit niya ng si Carlos ang bumungad at tumuloy sa loob.

Napabuntonghininga na lang ako saka lumakad pabalik sa room ko, sumunod naman agad sila sa akin. Napasaltak man si Jam ay hindi na lamang din ito kumibo para magkumento sa nangyari.

Dalawang linggo makalipas ay na-discharge na rin kami parehas ni Jane sa hospital, nauna lamang siya ng isang araw at kinabukasan ay ako naman. Ganoon pa man ay lumipas ang dalwang linggong iyon ng hindi na kami muling nagkaroon pa ng pagkakataong mag-usap.

"Kuyaaaa!" Rinig kong sigaw ni Honey mula sa itaas, napatingin ako sa hagdan at nakita ko siyang nagmamadaling bumaba habang hawak ang cellphone ko. "May tumatawag!"

Napakunot ang noo ko. "Sino?"

"Si Kuya Jam!" Sagot niya saka nagmamadaling ibinigay iyon sa akin na agad ko namang sinagot.

"Problem?" Bungad ko.

["Bro, nariyan ba si tita?"]

"Nandito."

["Okay,"] sagot niya saka binaba ang tawag na ikinakunot ng noo ko, makalipas ang ilang minuto ay dumating siya. Nagmamadali at halos hindi mapakali.

"Si tita?" Bungad niya.

"Nasa taas."

"Pwede ko ba siyang kausapin? Urgent lang." Hindi ko man siya maintindihan ay tumango ako. "Salamat," sabi niya saka nagmamadaling umakyat, akmang susunod na ako ng bumukas ang pintuan at sumulpot si Jane.

"Si kuya Jam?" Hinihingal na tanong niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Nasa taas,"

"Nakausap na niya si Auntie?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Auntie?"

"Ang mommy mo, nakausap na ba niya? Nasa labas ang kotse niya, nasaan sila?"

"Sa taas-" hindi pa man ako tapos ay katulad ni Jam, nagmamadaling umakyat siya sa taas. Agad akong sumunod at ng maabutan ko siya ay bubuksan na niya ang pinto. "Teka Jane, ano bang mayroon?" Naguguluhan ng tanong ko.

HappinessWhere stories live. Discover now