CHAPTER XXIV: SILENCE

101 66 0
                                    

🍯🍯🍯

Matapos magluto ay nagbitbit ako ng tray sa kwarto ng hindi pa rin siya bumababa, napangiti ako ng makitang tulog pa rin siya. Lumapit ako sa mesa at inilapag iyon bago lumapit sa kan'ya at naupo sa gilid niya.

"Jane," mahinang tinapik ko ang braso niya. "9am na, you have to eat."

"Hmmmm...." humarap siya sa akin saka nagmulat ng mga mata at naupo. "9am na?" Ulit niya na tinanguan ko.

Kinuha ko 'yong tray at inilagay sa harapan niya. "Eat," sambit ko saka kinuha ang kape ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Grabi, sobra-sobra na 'to." Hindi makapaniwalang sabi niya ng makita iyon pero hindi ako umimik. "Sa akin lahat 'to?"

"Yes."

"Kape lang sa'yo?" Tanong niya na tinanguan ko, kinuha niya iyon sa akin.

"Jane-"

"-hindi pwedeng ito lang, kumain ka."

"I'm okay-"

"-no, you are not." Pilit niya at ng makuha ko sa kanya ang mug ay tiningnan niya ako ng masama na hindi ko na lang inimikan, nakasimangot na nagsimula siyang kumain. Napahinto lang ako sa pagsimsim ng kape ng itapat niya sa akin 'yong kutsara saka tinaasan ako ng kilay kaya wala akong nagawa kundi ang ibuka ang bibig ko at tanggapin iyon.

Napahinto lang siya sa pagkain ng tumunog ang cellphone niya. "Hello?" Bungad na sagot niya. "Unfortunately, I can't tell you exactly where I am." Seryosong sabi niya at matapos makinig ng ilang sandali ay ibinaba na nya ang tawag.

"Anong oras mo pala papupuntahin ang barkada?" Tanong ko na inilingan niya.

"I change my mind,"

"And?"

"Doon na lang kami magkikita kanila Erick."

"Bakit doon?"

"Naisip ko kasi-" inilapit niya sa akin 'yong salad. "-Ubusin mo nga kuya, andami 'di ko na maubos."

"Ano?" Tanong ko saka kinuha iyon.

"Naisip ko na mas okay siguro kung walang nakakaalam kung nasaan ako, sa ganoong paraan mas madali akong makakakilos."

Napatango-tango ako. "Ihatid ka namin kanila Erick?"

Umiling siya. "Kaya ko na."

"Ihahatid kita."

"Bakit nagtanong ka pa?" Nakasimangot ng ismid niya pero hindi ako umimik, matapos kumain ay hinayaan ko na siyang mag-asikaso.

Nasa sala kami nila Lorenzo ng bumaba siya galing sa taas. "Loren, may contact ka ba kay Andrei?" Bungad na tanong niya habang abala sa cellphone.

Nagulat naman si Lorenzo. "B-bakit ako ang tinatanong mo?"

Saglit lang siyang tinapunan ni Jane ng tingin. "Magkapatid kayo, 'di ba?"

"P-paano-"

"It doesn't matter, alam mo kung nasaan siya?"

Tiningnan ako ni Lorenzo at nagkibit-balikat ako dahil hindi ko rin alam kung paano nalaman ni Jane ang koneksyon ni Lorenzo kay Andrei.

"Ang huli kong balita sa kanya, nag-out of town siya para sa ipinapaasikaso ni Daddy, hindi ko na siya ma-contact simula ng ma-post 'yong sa secret files."

Agad na tiningnan siya ni Jane. "May na-receieve kang any text?"

"Text?" Ulit ni Lorenzo at napakunot ang noo niya saka kinuha sa bulsa ang cellphone. "Ah, yes. I received a text pero dinisregard ko dahil akala ko isa sa mga trippings niya."

HappinessWhere stories live. Discover now