CHAPTER XIII: START

137 76 2
                                    


🍯🍯🍯

Isang buwan makalipas ay nakatanggap na ako ng email mula sa mga pinasahan kong unibersidad at sa kasamaang palad ay hindi ako natanggap sa Pacesetters Institute of Technology, kung ano ang dahilan? Iyon ang hindi ko alam. Samantala, kung mayroong hindi magandang balita mayroon pa rin namang tunay na maganda na hindi ko alam kung talaga bang maganda o insulto sa pagkatao ko. Paano'y kung alin pa ang hindi ko inaasahan, doon pa talaga ako pumasa. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang nararapat na gawin.

Hapon din ng araw na iyon, habang nakatulala ako at nakaupo sa upuan sa harap ng study table ko ay bigla na lamang akong nakarinig ng tatlong ulit na pagkatok sa pinto at ng lingunin ko ang gawi no'n ay nakita ko si mommy na papasok sa kwarto ko.

"Andy." Tawag niya ng tuluyang makapasok.

"Po?"

"Nakatanggap ako ng email." Tila nag-iingat ang tono ng boses na sabi niya.

Umungko ako sa study table ko. "Declined-"

"-Pumasa ka sa SNHS. Nag-try ka pala doon?"

Tumango ako. "Suggestion nila Carlos."

Lumapit siya saka humawak sa balikat ko. Napaangat tuloy ako ng ulo at napatingin sa kanya. "Tutuloy ka ba?" Tanong niya.

Napabuntonghininga ako. "Magagalit si Daddy kung oo."

"Mas nakakatakot ba ang galit niya kaysa sa hindi ka makapag-aral?"

"Mom-"

"-Declined ang PIT mo at accepted ang SNHS mo, opportunity na iyon. Huwag mo ng palagpasin pa kaysa maghahanap ka na naman ng panibago."

"Marami pa namang iba."

"Pero hindi ka sigurado kung iaaccept nila."

"Hindi ka ba nagtataka mom?"

"Sinadya nila." Diretsang sagot niya na ikinakunot ng noo ko. "Alam ko naman na talagang 'di ka tatanggapin sa PIT anak."

"Pero bakit pumasa ako sa SNHS?" Naguguluhang tanong ko.

"Pumasa ka sa SNHS dahil wala silang pakealam saiyo kahit pa Cruise ang apelyedo mo dahil kaaway nila tayo, mas ayos iyon para sa kanila dahil mababantayan ka nila kaya tinanggap ka however, kaya 'di ka tinanggap sa PIT ay dahil ang mga iyon ay takot madamay." Napabuntonghininga siya. "Kaya huwag mo ng subukan pa sa iba, hindi sa wala akong tiwalang kaya mo pero paniguradong mabibigo ka lamang."

"Mom."

Tumingin siya sa bintana. "Sa estado natin ngayon kung magiging mapili ka ay mawawalan ka ng pagkakataon." Tiningnan niya ako. "Pag-isipan mong mabuti." Sabi niya saka naglakad na palabas ng kwarto matapos tapikin ang balikat ko, sinundan ko lamang siya ng tingin.

🍯🍯🍯

Pagsapit ng pasukan ay wala na akong ibang napagpilian pa kundi ang pumasok sa SNHS. Sinubukan ko namang humanap ng iba ngunit tama si Mommy, declined ang lahat ng iyon, hindi ko tuloy maiwasang mainis dahil sa nangyari.

Matapos ang morning flag ceremony ay nagtungo na ako sa classroom kung saan magaganap ang klase ko. Pagpasok ko doon ay iilan pa lamang ang estudyanteng naroon, dumiretso agad ako sa dulong bahagi sa mismong tapat ng bintana ko napiling pumuwesto. Lumipas ang mga oras at natapos ang bawat klase sa paulit-ulit na 'introduce yourself' hanggang sa mag-uwian. Nang sumunod namang araw ay nag-discuss na kahit papaano ang mga teacher at katulad ng aking nakasanayan sa lumipas na mga taon, pinalipas ko lamang ang mga araw at buwan sa pag-aaral at paggawa ng mga bagay na kailangan kong gawin.

HappinessWhere stories live. Discover now