CHAPTER XXXIV: ALLY

82 30 0
                                    

🍯🍯🍯

"Naalala ko pala," panimula ni Jam dahilan para agad siyang lingunin ng lahat ng nasa mesa namin. "Wala pa pala tayong group photo."

"Edi mag-picture!" Suhestyon ni Kris saka inilabas ang cellphone, agad siyang binatukan ni Rio. "Aray! Bakit?!"

"Hindi kasi 'yan," tumayo siya. "Tingnan ko kung nasa labas pa 'yong photographer." Paalam niya saka lumabas, ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang tumatakbo habang naka-thumbs up kaya nagsi-tayuan na ang barkada.

"Nakausap ko 'yong photographer, go na." Pagbibigay alam niya ng makalapit kaya naman naglakad na palabas ang barkada, bumaling ako kay Jane at nilapitan siya.

"Ano ka ba," natatawang sabi niya ng alalayan ko siya, hinawakan niya ako sa braso saka bahagyang itinulak palapit kanila Jam. "Nami-miss out mo 'yong trip nila, sige na. Okay lang ako dito." Nakangiting pagtataboy niya, napataas ang kilay ko ng hawakan niya si Dyna at hilahin saka naunang maglakad.

Naiwan ako kanila Jam. "Sino 'yon?" Kunot ang noong tanong niya ng mapansin ang kapatid.

Napabuntonghininga ako. "Si Dyna, long term girlfriend ni Carlos." Sagot ko dahilan para sabay-sabay na napatingin ang buong barkada sa akin maliban sa mga nauna ng lumakad at malayo na sa amin.

"May long term girlfriend ang gagong 'yon?!" Halos sabay na hysterical ni Rio at Jam na tinanguan ko. "Aba! Putang-ina!" Sigaw ni Jam.

"Nasaan ang lintik na lalakeng 'yan?!" Galit na tanong ni Rio.

"Hindi ko alam."

"Alam na ni Jane?" Singit na tanong ni Andrei na tinanguan ko. "Tapos dumidikit pa rin siya sa babaeng 'yon?"

"Ganoon na nga,"

"Ano 'to balewala sa kanya na-" mataas ang tono ng boses na sabi ni Jam na agad kong tinakpan ang bibig.

"Let's not make this night more heavy for her." Muli nila akong tiningnan. "Umiyak na siya ng husto kanina at siguro naman hindi kayo ganoon kawalang puso para mag-cause pa ng panibagong dahilan para umiyak ulit siya."

"Palalampasin lang natin?" Kunot ang noong tanong ni George.

"Just for tonight, bukas lumpuhin niyo." Sagot ko, saglit pa nila akong tiningnan bago bagsak ang balikat na nag-thumbs up.

Pagdating namin sa labas nakasimangot na ang mga babae, marahil nainip sa tagal namin. "Dinaig niyo pa kami!" Inis na sabi ni Kristel ngunit walang umimik sa amin, lumapit kami at tumungtong sa elevated na platform.

"Barrameda, Castañeda, Castro, Clemente, Cruise, Cruz, Francisco, Garcia, Mcllister, Montesejo, Oliveros, Oregon, Psy, Salazar, Salvador, Santos, Valamerio, Vandaza, Vanford." Napasinghap sila matapos banggitin ang mga apelyedo na para bang mayroong attendance. "How is this even possible?!"

Napatawa ang barkada ng marinig iyon. "Mukhang may mahi-headlines bukas," sabi ni Lorenzo.

Napatingin ako kay Jane ng lumapit siya sa akin. "You okay?" Tanong ko ng bahagyang lumayo kami sa barkada, umiling siya na ikinakunot ng noo ko. "Why?"

"Naiilang na ko sa mga nakatingin,"

"That's the consequences of what you did."

Sumimangot siya. "Alam ko naman pero kasi nakakailang na."

Napabuntonghininga ako. "Isipin mo na lang wala sila d'yan o 'di kaya isipin mong teddy bear silang lahat." Natawa siya ng marinig iyon. "Imposibleng hindi ka nila tingnan, hindi naman pwedeng hindi nila mapansin ang ganda mo."

HappinessWhere stories live. Discover now