CHAPTER X: SURPRISE

164 82 27
                                    

🍯🍯🍯

"You okay?" Rinig kong tanong niya ng makalapit matapos makatakas sa makukulit kong kapatid.

"Yes."

Naupo siya sa tabi ko. "Handrex." Tawag niya.

"Po?"

Tiningnan niya akong mabuti saka siya bumuntonghininga at umiling. "Nevermind." Sabi niya.

"Let's go outside." Aya ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit? Nandito silang lahat tapos lalabas tayo?”

Napasaltak ako saka hinawakan siya sa kamay. “Huwag ka ng kumontra.” Akmang lalakad na ako ng pigilan niya.

“Handrex seryoso, baka hanapin tayo.” Nag-aalangang pigil niya.

“Saglit lang tayo.”

Napasimangot siya. “Sigi na nga, mabilis lang ah!”

Tumango ako, nauna na siyang maglakad kasunod ako. Pagdating namin sa labas nilingon niya ako.

“Nasa labas na tayo, ano meron?” Tanong niya.

“Malalaman mo, nasa likod.”

“You mean, likod bahay?”

Tumango ako saka binitawan na ang kamay niya. “Go.”

Naglakad siya papunta doon, sumunod naman ako. Bawat tunog ng suot niyang stiletto habang tumatama sa lapag ay nakakapagpadagdag ng kaba sa dibdib ko.

Huminto siya ng makita kung anong mayroon. “Handrex…” Mahinang sambit niya.

“Anong masasabi mo?” Tanong ko ng makalapit ako sa tabi niya.

“Ang ganda,” tiningnan niya ako. “Bakit isinama mo ko dito?”

“Para sayo ‘yan.”

Kumunot ang noo niya. “Sa akin?” Nanlaki ang mga mata niya saka natutop ang bibig.

Ngumiti ako. “Surprise?”

“Handrex….” Nanubig ang mga mata niya, tinakpan niya iyon gamit ang mga kamay. “Papangit ako nito ih, pinaiiyak mo ko.”

“Wala naman akong sinabing umiyak ka.”

“Bakit kasi…...”

Hinawakan ko ang braso niya. “Hindi mo ba nagustuhan?”

Tiningnan niya ako ng masama matapos ibaba ang mga kamay. “Iiyak ba ako kung hindi? Nakakainis ka,” lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit.

“Tahan na, 'di mo pa nga nakikita 'yong ibang surpresa ko umiiyak ka na.”

Nag-angat siya ng tingin, pinunasan ko ang mga mata niya. “May iba pa?”

“Akala mo ba ito lang?”

“Sobra-sobra na kaya ‘to tapos may iba pa?”

“Emerald, nakukulangan pa nga ako.”

“Grabi ka na,” humiwalay siya sa'kin saka inayos ang sarili. “Ano 'yon?” Tanong niya ng mapansin ang kahon saka tinuro.

“Huwag mo kong tanungin, tingnan mo.”

“Ih, pa'no kung ano pala ang laman no’n tapos mapahamak ako?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Mukha bang gagawa ako ng ikapapahamak mo?”

Pinisil niya ang pisngi ko. “Yii! Inaming siya ang may gawa.” Pang-aasar niya.

HappinessWhere stories live. Discover now