CHAPTER XVII: PICTURES

141 76 0
                                    


🍯🍯🍯

Hindi nagtagal ay madalas ko ng makitang bumubuntot-buntot kay Jane si Carlos, noong nakaraang buwan lang ay nalaman kong binusted niya ang lalake ngunit ngayon ay bumubuntot na ito sa kan'ya na akala mo'y isa itong aso ayon kay Jam dahilan para bumusangot na naman ang lalake.

"Tigilan mo na 'yan hindi matatanggal ng pagsimangot mo ang katotohanang lagi silang magkasama."

Sumaltak siya saka masama ang tingin na pinukol ako. "Kaysa naman sa katulad mo na pa-chill-chill lang. Napapaisip na talaga ako kung totoo ba talagang mahal mo ang kapatid ko."

"Huwag mong kwestyunin ang nararamdaman ko."

"Ang gago mo kasi."

"Mas gago ka, 'di ka makaintindi."

"Hindi naman kasi ako manghuhula para malaman ang iniisip mo!" Napabuntonghininga ako saka ibinaba ang hawak na ballpen.

"Mahal ko ang kapatid mo at seryoso ako doon Jam. Mahal ko siya na lahat ng hilingin niya ay ibibigay ko."

"Nakakatanga ka kausap."

"Hiniling niya na hayaan ko siya kaya ibinigay ko."

"So kapag hiningi niyang bitawan mo siya kapag naging kayo na, ibibigay mo?"

"Ibang usapan iyon." Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko saka tiningnan siya ng seryoso. "Jam, huwag mo na lang munang pakealaman si Jane. Hayaan mo siyang magkamali at matuto sa sarili niyang paraan. Matanda na siya, ano mang desisyon niya dapat matuto siyang harapin ang consequence ng mga iyon. Hindi na siya bata para kontrolin at protektahan, kaya niya ang sarili niya."

Napabuntonghininga siya. "Kung magsalita ka parang alam mo ng mali ang desisyon niya."

Napangisi ako. "Kilala ko lang si Carlos pero who knows? Baka magseryoso na ngayon ang kupal."

"Naiintindihan ko na."

"Buti naman."

"Handrex." Tawag niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Ano?"

"4 years ago, noong magkasama kayo ganyan ka na talaga?" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng classroom.

"Oo." Sagot ko ng hindi man lang tinitingnan siya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsusulat.

"Sa mga sinabi mo para kasing napakalaki ng tiwala mo sa kapatid ko." Hindi ako umimik, hindi na rin naman siya nagsalita pa.

Nang sumunod na araw ay hindi ko siya mahagilap kaya mag-isa akong tumambay sa student park. "KUYAAAAA!" Nag-angat ako ng tingin at nakita kong tumatakbo palapit si Jane kasunod si Carlos na pa-cool habang naglalakad parang gusto kong pilipitin bigla ang leeg ng lalake.

"Problem?" Tanong ko ng makalapit siya.

Hinihingal na naupo siya sa tabi ko, ibinigay ko sa kanya 'yong water bottle na binili ko kanina.

"Salamat." Sabi niya matapos uminom, bumaling siya sa akin. "Ayon na nga kuya, nakita mo ba si kuya Jam?"

Umiling ako. "Pagkatapos ng klase bigla na lang nawala."

"Bro." Bati ni Carlos ng makalapit na tinanguan ko lang.

"Hayaan mo na lang muna ang kuya mo." Sambit ko, napabuntonghininga siya saka may kinuhang papel mula sa hawak na box.

"Birthday invitation 'yan pumunta ka hah, sasapakin talaga kita pag-hindi." Pagbabanta niya.

"Sana hinintay mo na lang na daragin ako ng kuya mo papunta doon."

HappinessWhere stories live. Discover now