CHAPTER XXIX: WORTHY

60 34 0
                                    

🍯🍯🍯

Pagsapit ng lunes nagsimula na ulit maging abala ang lahat at ganoon din ako, hindi na kami muling nag-usap pa ni Jane. Hindi ko sigurado ang dahilan basta't pagkatapos ng huling beses ko siyang ihatid at ibinalik ko na ang kotse ay hindi na kami nakapag-usap pa.

Isang linggo makalipas ay saka ko lamang siya nakita, papasok siya ng araw na iyon habang marami na namang bitbit kaya agad akong lumapit para tulungan siya.

"Hi." Bati ko na ikinagulat niya. "Papasok ka na?"

Umiling siya. "Pupunta ako sa library." Tipid na sagot niya, hindi na ulit siya nagsalita pa kaya naman sumunod na lamang ako habang tahimik siya.

"Galit ka pa ba sa akin?" Hindi ko na napigilang tanong.

Umiling ulit siya. "Sorry pero kasi-"

"-Jane!" Mariin siyang napapikit ng marinig iyon saka bumaling sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, napatingin ako doon at nakita ko si Carlos na tumango para batiin ako ng makalapit. "Gamit ni Jane?" Tanong niya at ng tumango ako ay kinuha niya iyon sa akin.

"Salamat bro," sabi niya saka bumaling sa babae. "Halika na." Aya niya at hinawakan ito sa kamay saka hinila palayo sa akin, nanatili akong nakatayo doon habang papalayo sila.

Kinagabihan pag-uwi ko sa bahay matapos ang nangyari ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya na ikinabuntonghininga ko.

Jane:
Hi kuya! Pasensya na kanina, hindi naman ako galit sayo o kung ano pa man pero kasi kailangan ko munang dumistansya sayo. Nagagalit kasi si Carlos e, pinagseselosan ka kahit wala ka namang ginagawa. Sorry :<

Hindi ako sigurado kung ilang minuto akong nakatulala habang hawak ang cellphone ko matapos mabasa iyon, kaya pala hindi na niya ako kinakausap ay dahil nagseselos sa akin ang lalake, ibig bang sabihin no'n ay sinagot na niya?

Napasaltak ako saka inilagay sa drawer ang cellphone ko at nahiga, parehas kumikirot ang puso at ulo ko ng dahil sa mga nangyayari.

Taon ang matuling lumipas at tuluyan ko ng hindi na talaga siya nakausap, maski makita siya ay sobrang dalang na animo'y para bang hindi na kami nag-eexist sa buhay ng isa't-isa. Hindi rin nagtagal ay nasagot na rin naman ang tanong sa isipan ko, sinagot na nga niya si Carlos. Napatunayan ko iyon ng minsan ko silang makasalubong sa student park, hindi siya umiimik kahit pa taas noo akong binati ni Carlos ngunit ng makalagpas ay napansin ko ang kamay niya sa likuran habang naka-thumbs up na para bang tinatanong niya kung ayos lang ba ako ng araw na iyon, bagay na hindi na ako nag-respond pa.

Aminado naman akong nakaramdam ako ng kirot sa puso, para bang bigla na lang bumalik sa dati ang pakiramdam ko. Parang napaka-bigat no'n at hindi ko na naman alam kung paano uusad ng maayos sa bawat araw, para bang bumalik sa noon kung saan hindi ko pa siya nahahanap. Bumalik sa dating lamig ang lahat, para sa akin.

"Iniisip mo pa ba?" Rinig kong tanong ni Jam.

Saglit ko siyang sinulyapan. "Binisita mo na ba?"

Umiling siya. "Hindi ko alam kung kailan ako makaiipon ng lakas ng loob para harapin siya matapos ng nangyari."

Hindi ako umimik, napatingin siya sa langit at napabuntonghininga. Taon ang lumipas at naisara na ang kaso laban kanila Chelsea, matagumpay na nailagay sila sa likod ng rehas at naipanalo ni Mommy ang kaso laban sa ama nila sa pamamagitan na rin ng matibay na ebidensya at ng testimonya naming dalawa ni Lorenzo ay tuluyan silang naidiin.

Ganoon pa man, nanalo man ang panig namin sa kaso ay para bang pinagbagsakan pa rin kami ng langit at lupa. Si Lorenzo ay patuloy na nabibigatan dahil sa ginawa niyang pagdiin kay Chelsea kahit pa kagustuhan iyon ng babae samantalang si Jam ay nabibigatan sa pagdala ng konsensya niya lalo pa't ni isang beses ay hindi niya pa nagagawang bisitahin ang kapatid sa kulungan.

HappinessWhere stories live. Discover now