CHAPTER LIII: ARTWORK

92 2 0
                                    

🍯🍯🍯

"Mommy! Nakauwi na po kami!" Masayang bungad ni Aldrine pagbukas ko ng pinto matapos ko siyang sunduin sa eskwelahan, ngunit ang saya niyang iyon ay napalitan ng disappointment ng makitang walang tao sa sala, agad siyang bumaling sa akin, nagtatanong ang mga mata, "Nasaan po si Mommy?" Tanong niya.

Napabuntonghininga ako, "Hindi ko rin alam," sagot ko dahil iyon ang totoo, bago ko sunduin si Aldrine ay dumaan ako dito sa unit at narito pa siya ngunit ngayon ay wala na, ni hindi rin ako nakatanggap ng kahit isang tawag o text galing sa kanya na aalis siya.

Naglakad papasok si Aldrine at agad na tinungo ang mga kwarto ngunit pagbalik niya'y bagsak na ang balikat niya, ibig sabihin wala talaga si Jane sa loob ng unit kaya't kinuha ko na sa bulsa ko ang cellphone at sinubukang tawagan siya ngunit napasaltak na lamang ako ng marinig na may nag-ring sa loob ng kwarto, lumapit ako doon para tingnan at nakita kong nasa tabi ng lampshade ang cellphone niya.

"Uncle, anong gagawin natin?" Tanong ni Aldrine na katulad ko'y unti-unti ng nakararamdam ng pag-aalala.

"Magbihis ka muna at hahanapin natin sila." Sagot ko kaya't dali-dali siyang nag-asikaso, pagkatapos niya'y agad akong lumapit sa pinto ngunit pagbukas ko ay bumungad sa amin si Jane habang karga ang sanggol.

"Mommy!" Agad na sigaw ni Aldrine at yumakap sa bewang niya.

"Nakauwi na pala kayo."

"Saan ka galing?"

"Sa rooftop, nagpahangin kami, umiiyak e."

Napabuntonghininga ako ng lagpasan niya ako, "Pinag-alala mo kami."

"Pasensya na," sambit niya saka maingat na inilapag ang sanggol sa kuna bago kami hinarap, "Kumain na kayo?" Tanong niya ngunit napakunot ang noo ko ng mapansin ang mga mata niya.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ko saka humakbang palapit na siyang ikinataranta niya, agad siyang tumingin sa salamin upang tingnan ang sinasabi ko.

"Hala! Namumula!" Tarantang puna niya, "Hindi ko din alam-"

"-Jane," tawag ko na ikinahinto niya, "You don't have to hide-"

"-I swear! i'm not hiding anything!" Agap niya na ikinabuntonghininga ko.

"Kumain ka na?" Pag-iiba ko na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Kanina," sagot niya saka saglit na sinulyapan ang repleksyon sa salamin bago tuluyang humarap sa akin, "Ang mabuti pa, magbihis ka na at ipaghahain ko-"

"-I love you, you know that, right?"

Mabilis siyang tumango saka ngumiti, "Of course, I love you more." Sagot niya.

"Excuse me po!" Singit na sigaw ni Aldrine dahilan para mapatingin kami sa kanya, "Di ko po abot yung peanut butter hehe,"

Napailing-iling si Jane saka nilapitan iyon, "Sabi ko naman kasi mag-star margarine ka e!" Rinig kong sabi niya bago ako pumasok sa kwarto para magbihis.

Paglabas ko ay sakto namang patapos na siya maghain kaya't agad akong lumapit at ipinaghila siya ng silya bago ako naupo.

"Yes! Hotdogs!" Masayang sigaw ni Aldrine saka nagsimulang kumain habang tahimik lamang kaming dalawa.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya, umiling ako bilang sagot kahit pa may ilang mga bagay ang gumugulo sa isipan ko.

Pagsapit naman ng hapunan ay ako na ang nag-asikasong magluto upang makapagpahinga na siya dahil panay na rin ang iyak ng sanggol na wala namang ibang nais kundi siya lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HappinessWhere stories live. Discover now