Episode 1: Accidental?

10.6K 260 22
                                    

"H'WAG matakot, makibaka!" yelled by a man thru the megaphone.

Ngayon ay naglalakad ang lalaki patungo sa Malacañang Palace. Maraming tao ang nasa likod niya. May hawak silang tarpaulin na direktang pinatatamaan ang Presidente.

"Laxamana! Patalsikin sa pwesto!" the man continued. Para bang isang kulto, inuulit ng mga kasamahan niya ang kanyang sinisigaw.

"Presidenteng puro pa-pogi, wala namang utak!" Galit ang tanging nakita ko sa mga mata ng lalaki. "Sibakin!"

That was the moment I laughed along with my fellow reporters from different stations. These protestors are really feisty. They firmly contradict the way President Laxamana currently lead the country. Well, hindi naman nakapagtataka. Malaki ang mga kinakaharap na issue ngayon ng Presidente.

Isa na dito ang pagtaas ng bilang ng extra-judicial killings sa kanyang pamumuno. Binase ito ng mga tao sa huling SONA ng Presidente. Isa kasi sa kanyang bagong panukala ang pagpuksa sa drugs thru the micro-sectors of the Philippines. Meaning, the Police are prohibited to raid everywhere. Okay sana, pero marami ang nababalitang napagbintangan lang na gumagamit ng bawal na gamot matapos niyang ipasa ang panukalang iyon.

"Pero alam mo, nakakapagtaka talaga na biglang nag-focus ang Presidente sa droga," sambit ni Damson, ang camera man ko.

I nod. "Agree. At saka iba ito sa ipinangako niya nang tumakbo siya sa eleksyon. Agrikultura ang gusto niyang pagtuunan ng pansin. Doon siya nanalo. Kaya bakit parang naiba yata ang takbo ng prensipyo niya?"

"Right, parang may mali," Lijah, the reporter from other station joined us. He is also a close friend of mine.

"Pero alam niyo kung ano pang mali?"

Lijah ang I are so quick to turn our heads on Damson. We quizzically stare at him. Sabay pa kaming nagsabi ng, "ano?"

"Iyong nakatayo lang tayo dito imbes na nag-iinterview sa mga nag-ra-rally," he boredly answered.

"Sabi ko nga, pasenya naman!"

Iyon na ang segundo kung saan tumakbo na kami ni Damson patungo sa mga nag-po-protesta. Iniwan na namin si Lijah, bahala siya diyan. Wala pa kasi iyong camera man niya. Laging late.

"Ma'am!" Pagpigil ko doon sa isang babae. Tila ba siya mahiyain. Iyong hindi makabasag-pinggan. May hawak pa siyang malaking tarpaulin. It says, "sobra sa gwapo, kulang sa utak!"

"Can we have an interview with you?" I continued. Ngayon ay sinisiksik ako ng ibang nagpoprotesta. Katulad ng laging nangyayari ay hindi ko na lang iyon iniinda. Bagkus na mag-inarte ay lalo pa akong nakipag-siksikan.

Ang pagtango ng babae ang naging hudyat kung bakit nagsimula na akong magtanong. "Bakit po kayo nag-rarally-"

"Dahil bobo si Yven Laxamana! Wala siyang ibang ginawa sa bansa kung hindi ang magpakatanga. Akala ko ba, law graduate siya pero bakit gan'on? Bakit may ubo ang utak niya?!"

Bahagya akong natigilan.

Utak? May ubo?

Ha?

Iniwasan ko ang mapangiwi. Ibang klase. Kanina lang ay mukhang hindi makabasag-pinggan ang babaeng ito. Ngayon ay para ba itong isang telmos na naglalaman ng kumukulong tubig.

"May nais po ba kayong sabihin sa Presidente-" pinutol na naman niya ako. Walang hiya, kailan niya ba ako balak patapusin?!

"Hoy, ikaw Yven. Ayus-ayusin mo iyang mga desisyon mo sa buhay! Alam kong gwapo ka, pero 'wag mo namang ipakita na hanggang doon ka lang! Hindi pag-aartista ang pwesto mo, lagyan mo naman ng kaunting utak!"

A moment of silence came between us. Naghihintay ako kung may idudugtong pa ba siya sa kanyang litanya. Pero nakatingin lang naman siya sa akin and that was my obvious cue to end this interview with her.

"Salamat po," I just awkwardly smiled.

Matapos niyon ay hindi na ako inintindi ng babae. Nagmartsa na rin siya kasama ang ibang mga raliyista. Tila bang parang walang nangyari.

"Pambihira," Damson started, "ang intensed talaga ng pagmamahal nila sa bansa, ano? Sana all na lang, bansa."

"Hayop ka," I laughed.

Nag-interview pa kami ng humugit kumulang limang nag-po-protesta. Ang common denominator nilang lahat ay ang pag-po-point out nila sa mukha ng Presidente versus sa kanyang utak. Na hindi na naman nakakapagtaka. People are people. They will attack your appearance just to bring you down.

"Oh, paano? Dadalhin ko na lahat ng na-cover natin sa station. Sasabay ka ba sa akin?"

"Nope, magpapahinga muna ako sa condo unit ko," I replied while yawning, "balik na lang ako dito kapag i-e-air na ang report natin for primetime news. Dito na lang din tayo magkita."

DAHIL malapit lang naman dito sa Malacañang Palace ang condo unit ko, hindi na ako nag-abala pang mag-book ng grab. Pinili ko na lang na maglakad. But in the middle of my walk, naisipan kong dumaan sa police station. Magtatanong-tanong na lang sana ako doon. Minsan kasi, mayroong mga kaso doon na interesting i-cover.

Pero bigla akong natigilan nang may matangkad na lalaki ang huminto sa mismong harap ko. He is wearing all black. Black cap. Black shirt. Black pants. At may suot pa talaga siyang black face mask.

At one moment, gusto kong sumigaw ng "Holduper! Tulong!"

"Zabiana Pascual," he pointed his finger at me, "the rookie reporter of VCB Channel, right?"

Oh my God.

Oh my fucking hell.

Kilala niya ako . . .

Kidnapper ba siya?!

Amidst panicking, I pushed myself to be calm. Kahit na para bang gusto ko nang tumakbo at humiyaw ng tulong, minabuti kong maging matapang. Minabuti kong umakto nang maayos kasi nakakahiya kapag mali pala ako ng akala. Saka hello? Nasa mataong lugar kaya kami! Sinong tangang maglalakas ng loob na mang-kidnup sa ganitong lugar?

"Ah, no." I automatically answered.

"Sino 'yon?" Pagmamaang-maangan ko pa.

Narinig ko ang mapanutya niyang pagtawa. "Alright, if you say so." He mumbled.

Nang tingnan ko siya sa kanyang mga mata ay para bang familiar ang mga iyon. Looks like I have already seen those eyes before but I can't exactly remember when and how.

A moment of silence had pass and that was the cue for me to walk away and save myself. Pero laking gulat ko na lang na kasunod ko lang pala siya. Sa haba ng hita niya laban sa akin, wala akong laban.

"What?" Lumingon ako sa kanya.

"I heard reporters will do everything just to have an exclusive coverage," he asked out of nowhere.

"Hindi nga ako reporter—"

He cut me off.

"What if I tell you, I can help you get your first ever exclusive report?" His thick eye brows started to go up and down.

That was the point I stared at him as if he's a puzzle. Anong pinagsasasabi niya? Mukhang hindi holduper o kidnapper ang isang ito, siraulo yata.

"Will you do everything I say just for an exclusive report?" he pushed.

"You know what, Sir? Just leave me alone. Wala kang mapapala sa akin-" natigilan ako nang bigla niyang ibinaba ang kanyang face mask. Nakita ko ang natural na mapula niyang labi.

Hanggang sa nanlaki na lang talaga ang mga mata ko nang makilala na siya.

"Come on, Zabi," he smiled and that paved the way for me to see his deep and globally popular dimples, "will you?"

Fuck . . .

Mr. President?!

The President's Paramore Where stories live. Discover now