Episode 8: Malacañang

5.6K 178 68
                                    

ISANG malalim na hininga ang pinakawalan ko. The President is practically giving me a hard bargain. I know that it will hurt me so bad if I just let this opportunity to slip away.

Malacañang na 'to, hoy! Pangarap kong makapag-tour dito! This place is one of the most paramount pieces of history and as someone who cherish history the most, I need to take this chance, grab it and make it mine instantly.

And oh, come on!

Baka hindi lang exclusive interview ang makuha ko rito, baka special documentary rin! Paniguradong matutuwa sa akin si Ma'am Victoria nang sobra. Baka ibigay niya pa nga sa akin iyong mas mataas pang position na ibinigay niya kay Ayesha the bitch!

Sa ideyang iyon ay idinako ko ang mga mata ko sa Presidente. He is now looking at me as if waiting patiently. As if he will never accept my disapproval if ever.

"Okay," pagkukunwari kong napipilitan, "pero sandali lang, ah? As in, mabilis na mabilis lang."

Umirap pa ako. Pero sa isip-isip, gusto kong ipagsigawan na, "sige lang, Mr. President! Kahit matagal pa po! Kebs lang sa 'ken!"

"Sure, I promise," lumawak ang ngiti ng Presidente. Kasabay niyon ay ang pagbitbit niya ng tripod at camera ko.

"Follow me," he added. He seems to be more excited than me. Ganito ba ako kaganda para maging ganito siya kasaya? Luh?

Nang makalabas na kami sa Office of the President ay kinuha niya ang kanyang cell phone. Inilapat niya iyon sa kanyang tainga.

"Stay put, Zabiana will extend her time with me," aniya. "Yes, I'll be having a Malacañang tour with her."

Nanatili lang akong sumusunod sa kanya hanggang sa makababa na kami sa Grand Staircase. Tahimik lang ako. I am still not done with my pretension. I will never give him a hint that I am excited. Because partially knowing him, he will use it to his own benefits.

"Sure, do it . . . but privately. The last thing that I want is you, three, ruining our time together," pagpapatuloy ng Presidente. Matapos niyon ay inilagay na niyang muli ang kanyang cell phone sa likurang bulsa ng kanyang fitted trousers.

Nang marating na namin ang Reception Hall ay pansamantala akong tumigil. Ito iyong parte ng Malacañang na madalas kong nakikita kapag may mahalagang national event. This is that part kung saan nagsasama-sama ang iba't-ibang politician sa buong Pilipinas. Katulad na lang last year, bumisita dito ang Presidente ng USA.

Doon ay para bang teenager, mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pag-se-selfie rito habang hindi nakatingin sa akin ang Presidente. Kung medyo okay nga kami ng lalaking ito, baka nagpapicture pa ako sa kanya!

It took me an almost twenty selfies to realize that the President is now walking afar from me. Our distance was so huge from each other that I really have to run as if I am a professional runner just to equal him. Bakit ba kasi pagkahaba-haba ng biyas ng mga lalaki dito?!

"Oh, bakit hingal na hingal ka?" Natatawa niyang tanong.

Bigla ko tuloy pinigilan ang paghinga ko. "Ay wala 'to," tinapik ko ang hangin, "sige lang, lakad lang."

Pinukulan niya lang ako ng nalilito ngunit natatawang tingin bago ako muling tinalikuran. Doon ay halos mamatay-matay ako sa pagkolekta ng mga hangin.

Nang makarating na kami sa Entrance Hall ay doon niya ako hinarap. "Our tour will start here, ready?"

"Uhm, can we film it?" ani ko.

"With this camera?" he asked with creased eye brows.

I nodded. Akmang aagawin ko na sana sa kanya ang camera pero inilayo niya iyon sa akin. "Let me do it for you. Mabigat 'to."

The President's Paramore Where stories live. Discover now