Episode 42: Choice

3.3K 91 44
                                    

WALA akong ibang nagawa noong mga oras na iyon kung hindi ang matulala na lang. I can't find words to muster nor even the right actions to do. All I did that moment is to just be shocked. Because truth to be told, to say that I am just shocked is an understatement.

I am fucking confused and devastated and fuming at the same damn time.

"Mainit-init pa ito, mga ka-ChikaMuna," ngiting-ngiti ngayon ang demonyitang si Ayesha, "tapos na ang pila, mukhang may nanalo na po sa puso ni President Yven!"

Napakuyom ako ng palad. Sa tingin ko nga, kung nasa harap ko lang itong si Ayesha ay kanina pa siya nagkaroon ng black eye sa mukha. Nakakabwiset ang pagmumukha niya. Lalo na ang ngiti niya. Paniguradong tuwang-tuwa ang hayop na ito dahil naisahan niya ako this time.

"Isang anonymous na citizen ang nag-send sa aming staff ng larawan ng Presidente. At may kahalikan itong babae," right now, she is forcing her facial expresson to look shocked.

"And guess what?" She grin again, that kind of bitch I won again grin, "siya ay kinilala bilang si Zabiana Pascual, the reporter of our station who reported just earlier."

Ngayon ay nag-pa-flash sa screen ang iba't ibang anggulo ng aming paghahalikan ni Yven sa dagat ng Hawaii. Gusto kong magpakain sa lupa. Gusto kong matulog at 'wag nang magising pa dahil sa kahihiyan.

Pambihirang araw naman ito!

Kanina lang ay sobrang saya ko dahil sa magandang oportunidad na binigay sa akin ni Ma'am Victoria. Ngayon naman ay gusto ko na lang maglaho nang biglaan dahil sa sobrang hiya.

'Yung totoo? Nasa roller coaster ba ako?

Lord, ang bilis naman po ng bawi!

Pero agad rin namang na-divert ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cell phone ko. Nag-flash mula sa screen ang pangalan ni Ma'am Victoria.

"Ma'am Victoria!" Ang mangiyak-ngiyak kong bulyaw, "ano pong nangyayari? Bakit bigla naman pong ganito-"

Ma'am cut me off, "Zabiana, hija, I also don't fucking know about this. And I am fuming. Hindi ito kasama sa news na inilatag nila sa akin kanina. Had I known your issue will be aired tonight, I would've not approved it."

Napabuntonghininga ako at napahilamos ng mukha.

"Parang hindi sila nag-iisip. Parang hindi nila alam na maaapektuhan nito ang karera mo."

"Po? Maaapektuhan po?" I blinked. Twice. Thrice.

"Hija, oo. Apparently, you are on the peak of your career right now. Lahat, gusto ka. Lahat, nag-aabang marinig ang tungkol sa iuulat mo. Pinagkakatiwalaan ka ng lahat. And being a part of the narrative that President Yven is currently at, it will not benefit you positively."

Napakurap pa ako nang ilang beses. Hanggang sa . . . unti-unting nag-sink in sa akin lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Shit.

"Alam naman natin na hindi naging maganda ang pananaw ng publiko nang malaman nilang nag-bakasyon ang Presidente sa Hawaii sa gitna ng krisis ng bansa. Pwede kang madamay doon, hija. Paniguradong isa ka na rin sa mga taong kamumuhian ng publiko. Hindi malayong mangyari iyon lalo na ngayon, issue na rin ang budget na ginamit sa bakasyon na iyon. Diumano, ito raw ay nanggaling sa kaban ng bayan. Mukhang iyon ang ginastos ng Presidente sa bakasyon ninyo."

Napalunok ako.

Hindi ako makasagot.

Hindi ko alam ang dapat isagot.

"Kailan pa ba ito nagsimula, Zabiana? Kailan pa may namagitan sa inyong dalawa ng Presidente?"

Napalunok muna ako bago sumagot, "just a few months ago, Ma'am."

The President's Paramore Where stories live. Discover now