Episode 45: Distraction

3.2K 82 105
                                    

SECRETLY swallowing hard, I don't know what to feel. Should I be scared? Or . . . should I just calm down? Pero sa mga sandaling ito, mas nanalo sa akin ang kaba. Mas nanaig sa akin ang takot na baka . . . na baka ang susunod na sasabihin ni Ma'am Victoria ay ang siyang kinatatakutan ko.

"A-Ano po iyon, Ma'am?" Hindi talaga maganda ang tama ko sa bad news na tinutukoy niya.

"I had a meeting with the management yesterday," she started, "and it's about the opportunity that I have told you last time. The news anchor position that I offered you."

I blinked.

And then I swallowed hard.

No . . .

"What's with it po, Ma'am?"

Right now, I am still smiling. Pero sa likod nito ay nagtatago ang kaba ko.

Please, no . . .

"They decided to not pushed it anymore."

Naglaho ang ngiti ko. Kusang lumitaw ang kirot na biglang namayani sa dibdib ko.

"At ang rason nila ay dahil sa issue mo with the President. Ayaw nilang mabahiran ang reputasyon ng station natin nang dahil sa issue mo na iyon," she sighed one more time, "I am really sorry, hija, and I really do hope that you understand our end."

Sa mga narinig ay para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. I can't process everything all at once and that all I can do is to just stare and think and think and think again. Pero sa mga sandaling ito, para bang mas madali sa akin ang matigilan dahil sa mga narinig mula kay Ma'am Victoria.

"Hija," she spoked again. That helped me to come back to this unexpected reality, "don't worry, we are not going to sign you out as a field reporter. Mananatili ka sa posisyon mo. We are not going to hold it against you for that aspect."

Tumango ako sa kanya. Pinilit ko rin ang ngumiti ulit. Nananalangin na sana, magmukha itong totoo. Kasi sa kirot na namamayani sa dibdib ko, ang pag-ngiti ay wala sa listahan ng gusto kong gawin ngayon.

"I-I understand, Ma'am," pinigilan ko ang boses ko sa panginginig. Kasi ang totoo niyan, gusto ko nang umiyak, "know that I am still grateful to all of the opportunities that you offered to me. And surely, I'll do my best po in order to be deserving of it again."

Ma'am Victoria pursed her lips and then smiled at me. But it's not as genuine as it is before. I tried to shove everything as I stood up. Ang pinakagusto kong gawin ngayon ay ang umalis. Magmukmok. Tikman ang kabiguang ito na hindi ko inasahan na pwede pa palang mangyari. Kasi akala ko, okay na. Akala ko, posible na. Pero hindi pa pala. Hindi pa rin.

I tried but still, it is not enough.

"Una na po ako, Ma'am," I mumbled, "may i-co-cover pa po kasi kami na report today," then lied.

"Sure, go ahead hija. Please, take care."

I smiled at her for the last time. Matapos ay nagmadali na akong lumabas ng kanyang office. And the moment I went out and walked to the empty corridor, I failed to stop my sobs and tears.

Sa bawat paghakbang ko ay ganoon rin naman kadami ang mainit na tubig na lumalabas sa mga mata ko. Ganoon na rin ang sunod-sunod na paghikbi ko.

Ang hirap lang talaga kasing tanggapin. Pangarap ko na iyong naabot ko. Ito na iyong matagal ko nang pinaghihirapan pero dahil lang sa isang issue, mawawala ito na para bang bula. Na ganon-ganon na lang itong naglaho sa kabila ng mahabang panahon at hirap na ginugol ko para lang dito.

That day, I went straight to my unit. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maubusan na lang talaga ako ng dapat kong ikaiyak.

Yven tried to comfort me. But it's not really working as he is the main reason for this defeat of mine. But I know, I can't hold this against him. Kasi ginusto ko rin naman ang namamagitan sa amin. Mas gusto ko ito. Pero ang sakit-sakit lang talaga. Sobra.

The President's Paramore Where stories live. Discover now