Episode 39: Murder

4.5K 100 23
                                    

MOMENTS went in like a blur. Before I knew it, our three days vacation have ended. Right now, we are situated in the private plane of Denver again. Siya uli ang piloto namin at assistant niya pa rin si Brione. Samantala, hindi naman sumama sa amin ang ibang kaibigan ni Yven. Mukhang sa susunod na linggo pa yata sila uuwi sa Pilipinas.

"What are you doing?" I told Yven who is just sitting beside me. May kung ano kasi siyang tina-type sa cell phone bago pangiti-ngiti pa.

"Wala."

"Cheater."

"What?" Lumingon siya sa akin at sinimangutan ako, halatang defensive, "sinong cheater?"

"Ikaw."

"Paanong—bakit?"

"Sinong kausap mo diyan sa cell phone mo?"

Naka-poker face siya nang ipakita sa akin ang kanyang cell phone. Nakita ko doon ang mobile application na notepad pero agad niya naman iyong iniwas sa akin nang magsimula na akong basahin ang nakasulat doon. Nakakainis, hindi ko tuloy nabasa nang maayos! Ang pangalawa lang ang nabasa ko!

"Seriously, why would I cheat on you? You fucking got it all."

"Ewan ko sa 'yo," umirap ako.

Matapos ay inilapit niya sa tainga ko ang kanyang mukha. Then the next thing that I heard is him and his sexy and husky whisper, "bakit naman ako hahanap ng iba kung sa 'yo lang ako nasasarapan?"

God!

Napalunok ako at biglang pinamulahan ng mukha. Otomatiko ko tuloy siyang nahampas sa braso, "tumigil ka nga!" Gusto kong magmukhang masungit pero traydor ang mga labi ko noong oras na iyon, kusa akong napangiti, "parang gago."

Matapos n'on ay tatawa-tawa ang siraulo na bumalik sa ginagawa. Pinili ko na lang na pakalmahin ang sarili at isandal ang ulo sa upuan. I just closed my eyes and wished that the moment I opened it again, we are already in the Philippines.

For which what kinda happened . . .

"Zabi, wake up na," came by Yven's voice, "nasa Pilipinas na tayo."

Humikab ako at saka nag-stretch ng katawan. Nang mapatingin ako sa bintana ay totoo ngang nasa Pilipinas na kami. Nakahinto na ang private plane at ang makikita lang sa bintana ay ang naglalakihang mga eroplano na nakaparada.

"Let's go," inalalayan ako ni Yven na tumayo, "here's the plan. Mauuna kang lumabas, sasama ka kay Denver. Siya ang maghahatid sa 'yo papalabas ng airport."

"Eh, paano ka?" Kinusot ko ang mga mata ko. Ngayon pa lang talaga ako naaalimpungatan.

"Brione will find a way, basta ang mahalaga ay makalabas ka na agad dito sa airport," bakas ang kaba sa kanyang tono, "Brione told me that media are now on the way to ambush me again."

Doon ay tumango lang ako sa kanya at pinili na lang na sumunod. Sakto namang labas ni Denver mula sa pilot area. At naging mabilis na nga ang pangyayari.

Denver is really influential. Sa tulong niya ay mabilis akong nakalabas sa airplane. May dalawang bodyguard na sumalubong sa amin at sila ang siyang tumulong sa akin sa pagdala ng mga gamit ko. Dire-diretso lang kami. Tila ba walang pakialam ang mga personnel sa basta-basta naming paglagpas sa kanila. Isang tango lang ni Denver sa kanila ay para bang wala silang choice kung hindi ang sumang-ayon na lang.

And before I knew it, we are now in the parking lot. Mabilis akong inalalayan ni Denver papasok sa isang sasakyan.

"He is my driver, he'll take you home safe Ms. Zabi," nakangiting sambit niya sa akin habang may butil-butil ng pawis sa kanyang noo, "take care and it is nice to meet you, really."

The President's Paramore Where stories live. Discover now