Episode 37: Lingerie

6.3K 122 61
                                    

MATAPOS ang ilang oras na pag-uusap kasama sina Senator Grecilla and President Vonne, nagpaalam na rin sila sa amin. Anila, lilipad agad sila papuntang New York para sa isa na namang meeting.

Nakakatuwa lang talaga ang pagiging humble ng dalawang ito. Walang kayabangan na mababakas sa kanilang pagkatao. Walang hangin. Walang angas. Para ba silang simpleng tao lang kung makipag-usap sa amin.

Nang makaalis na sila ay doon na kami nilapitan ng mga kaibigan ni Yven.

"Grabe, ang lakas mo talaga bro," Denver tapped Yven's back.

Sinegundahan pa iyon ng pilyong si Lanzio, "dapat pinakilala mo ako kay Senator Grecilla. Matagal ko na siyang crush-"

"Puro kagaguhan. Hindi ka naman n'on papatulan," pagbara naman ni Denver sa kanya na siyang nakapagpatawa sa amin. Oo, except kina Grexxo at Zakros na walang pakialam sa amin. Tahimik lang sila na nakaupo at pinapanood kami. Tila ba walang mga humor sa katawan ang magkapatid na ito.

That night, we spent the night with a lot of funny stories which most of them was told by Denver and Lanzio. I had fun while listening to them. They are so animated that I can imagine on my head the stories that they are telling us.

Pero nang sumapit na ang ala-una ng gabi ay nagka-yayaan na ang lahat na magpahinga na. We still have two days left here and Yven told them that we should just take a rest for now because tomorrow is going to be tiring but fun. 'Di naman nagpatinag ang apat, sinabihan kaming mauna nang magpahinga. Mukhang balak yata nilang magwalwal ngayong gabi. Minabuti na lang namin ni Yven na iwan sila at hayaan sa kanilang trip.

"Wanna take a shower first, Zabi?" Ang sambit ni Yven matapos naming makapasok sa aming kwarto.

Pero bigla ay naningkit ang mga mata ko. May bigla akong napagtanto.

"Why are you looking at me as if I just killed someone?"

"Ngayon ko lang na-realize," nagpatuloy ang paniningkit ng mga mata ko sa kanya, "tanging mga ka-close ko lang ang tumatawag sa akin ng Zabi. Mga matagal ko nang kakilala."

There, he suddenly blinked. Seems like I caught him offguard.

"Parang noong una kitang makilala, iyan na agad ang tawag mo sa akin," ngayon ay tinitingnan ko na siya na para bang nasa bulsa niya ang tallano gold, "umamin ka nga, nagkakilala na ba tayo dati?"

"Grabe," tumawa siya, "hindi ba pwedeng katunog ng baby ang Zabi?"

"Ha?! Anong sense naman niyan-"

"Gusto kong gumawa tayo ng baby soon," he is now smiling playfully while lifting his eye brows.

Inirapan ko lang naman siya. Itinatanggi sa sarili ang kilig na biglang namutawi sa buong katawan.

"Pero isa pa," sambit ko na naman.

"Ang dami naman."

"Parang kaboses mo pa ang ex ko! Ngayon ko lang talaga na-realize dahil kaboses mo talaga siya kapag tinatawag mo ako!"

He pokerface at me, "so, naalala mo sa akin 'yung ex mo kaya ka pumayag magpaligaw sa akin?" For a moment, he looked really hurt, "bakit? Mahal mo pa rin ba?"

"Siyempre, hindi!"

He continued to pokerface at me.

But seriously, kaboses niya talaga ang ex ko. Kapag pumikit ako at pinakinggan lang siya, para talaga silang iisa.

Teka nga, Zabi!

Ano ba?!

Naka-move on ka na kay Lonzo, 'di ba?!

The President's Paramore Where stories live. Discover now