Episode 3: Huge

7.7K 201 67
                                    

KUNG iisipin, mahihiya ang mga character ng Naruto sa bilis ng paghila ko kay Mr. President patungo sa sasakyan ko. Ayoko na talaga! Alam kong ang boring ng buhay ko pero 'wag namang ganito!

"Are you okay?" Mr. President asked while laughing. Nagagawa niya pa talagang tumawa, ah!

Napasapo ako sa pawisan kong noo. Ako na yata ang pinaka-na-i-stress na tao sa mundo ngayon.

"Ay hindi po, Mr President," eksaherada kong ginulo ang buhok ko. Mapang-asar ko siyang nginitian nang malawak, "masaya po ako. Sobra! Sobrang saya ko po! Opo!"

"You are really cute," he chuckled once more. Nang ibinaba na niya ang kanyang face mask ay hindi na ako nagpanic pa. Tinted naman ang sasakyan ko. There is no way anyone could see him inside my car.

"Let's eat, bago pa ikaw ang makain ko," he continued as he started munching the yum burger.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Alam mo, Mr. President. Hindi ko alam pero mukha ba akong lumalakad na fried chicken sa 'yo? O spaghetti? French fries? Or whatever?"

Napakamot ako sa ulo ko, "bakit ba gustong-gusto mo akong kainin?"

Doon ay natawa na naman siya. Happy pill niya ako, ano? "Mukha kasing ang sarap mo."

"Hindi ko naman alam na cannibal pala ang Presidente namin, shocks." I continued staring at him as if he's one of the confusing mysteries of Earth. "Kapag ito in-i-report ko, exclusive worthy ito."

Humalakhak na naman siya. Hindi rin pala siya cannibal, takas-mental din. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang ganito pala siya sa totoong buhay. Punyemas. Bagama't soft spoken ay seryoso sa buhay ang Presidente na kilala ko, hindi itong nasa tabi ko! Puro pang-pe-playtime ang alam!

"But in connection with that," he swallowed before speaking, ngayon ay iyong spaghetti naman ang pinagkaabalahan niya, "I can help you get your first ever exclusive report."

Doon ay mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pag-lingon sa kanya, "how?"

Naku, lokohin mo na ang lasing 'wag lang ang news reporter na hindi pa nakakaranas ng exclusive report! Sinasabi ko talaga sa kanya, kahit Presidente pa siya, mababatukan ko siya!

Para kasi sa aming mga reporter, ang exclusive report ang pinakamahalaga. Ito lang naman kasi ang pinakamabilis na daan para umangat ang position namin. It's like a recipe of a restaurant na kapag ikaw ang naunang magbenta, ikaw ang mas patok. At ganoon rin sa reporting. Kapag ikaw ang naunang makapag-report ng something na interesting, lahat ng tao ay maguunahang panoorin ka. Then boom, it will result to a high rating of viewers during your air time.

"But not for now, you'll know soon," when he wiggled his eye brows, alam kong pine-playtime na naman niya ako. Ayoko na talaga!

"Alam mo, after nito baka hindi na kita respetuhin," nagkamot uli ako ng ulo, "ang sakit mo sa anit!"

"Sige, I won't mind. Babuyin mo ako," he is now laughing seductively, "I might find myself loving that."

Hindi ko na talaga alam kung anong trip niya sa buhay. O baka naman nakahithit siya? Ano 'yon? Galit siya sa mga gumagamit ng drugs pero heto siya at mukhang nakahithit n'on? Parang mas malala yata iyong taong hindi naman nagbibisyo pero mukhang drug addict.

"Alam mo, Mr. President, ubusin mo na lang 'yan para maihatid na kita sa Malacañang—"

"Hindi pwede," ang pagputol niya sa akin.

"At bakit?"

"Bukod sa hindi ka nila papapasukin sa Malacañang, baka makasuhan ka pa ng kidnapping," patuloy niya habang ngumunguya.

The President's Paramore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon