Episode 20: Youth

5.4K 129 47
                                    

MAKARAAN din ang ilang mga minuto, nagsidatingan na ang mga kabataang nagsasagawa ng isang rally dito sa Malacañang. They are all wearing black. Their faces are painted with red. And their eyes? They are all raging.

Just by looking at them, I know that this is not going to be a peaceful one.

Mahirap kasing galitin ang mga mulat na kabataan. Mahirap silang kalabanin dahil sa ilang taon ko nang pagiging reporter, ito talaga ang isa sa mga nalaman ko. May matigas na paninindigan ang mga kabataan. 'Di gaya ng mga matatanda, mas intensed sila pagdating sa pag-alma. Kung karapatan na nila ang nadudungisan, sila talaga ang mauuna sa pila para tuligsain ang gobyerno para pakinggan sila.

Which is I find okay.

Kasi wala naman talagang masamang mag-rally kung may dulot ito. Walang masamang ipaglaban ang karapatan mo kung naruruyakan na ito. Kasi at the end of the day, walang mali sa paglaban—may mali kaya ka lumalaban.

I sighed as I continued staring at the activists. Ngayon ay nagsisimula na sila sa pagpo-protesta.

"Ano bang nangyari? May namatay na naman ba?" I asked Thelma na ngayon ay nasa tabi ko.

Isa kasi sa issue na kinakaharap ngayon ng administrasyong Laxamana ang buwan-buwang pagkawala ng mga kabataang aktibista. Lahat ay mga estudyante ng mga state universities. Lahat ay may mga nasabing masama sa gobyerno.

Their sudden disappearance is still a mystery—all it are still unsolved. Which is alarming para sa seguridad ng lahat. Lalong-lalo na para sa mga kabataan. Isa talaga sila sa mga nangangamba sa kung anong nangyayari. Kasi 'di naman pwedeng nagkataon lang ang lahat. Na sumakto lang na pare-parehong aktibista ang mga nawawala o ang mga namatay.

May gustong magpatahimik sa kanila, at ginagawa iyon ng mga kriminal sa maling pamamaraan.

Pero bilib talaga ako sa tapang ng mga kabataan na ito sa aking harapan. Kahit na natatakot. Kahit na kinakabahan, nandito pa rin sila para tumindig. Para lumaban. Kasi alam nila, they can make a difference. That their voices should be heard.

They only want nothing but the best for our country. Why won't we try to sit down and hear them out? Why won't we give them the chance for us to realize that maybe, maybe there is a void in our current system?

They really remind me of my younger self. Dati kasi ay active talaga ako sa mga ganito. Pagtaas ng tuition fee? Revising history? Corrupt politician? I am always in to make my voice be heard. Wala eh. Kapag kasi namulat na ang mga mata mo, kasalanan na ang pumikit.

Minsan kasi, alam kong radikal ang manahimik. Pero ang mali ay mali pa rin. We are not doing such things only to cause damage or chaos. We are doing that because we want to achieve the kind of peace that is genuine. The kind of peace with a touch of honesty, without any corruption and wrong doings hiding behind our leaders' pockets.

Tumigil lang talaga ako sa ganito nang maging reporter na ako. Kasi siyempre, TV station ko na ang dinadala kong pangalan. 'Di na ako pwedeng gumawa ng bagay na alam kong kahit tama ay ikasisira pa rin ng mga nasa paligid ko. Pero kahit na ganoon, dinala ko naman ang pagiging aktibista ko sa internet. Doon ko nalalatag lahat ng opinion at insights ko sa mga nangyayari sa bansa. Lalong lalo na sa kalokohan ng mga politiko.

"Oo, may namatay na naman teh."

I grimaced. I tried not to curse. "Sino?"

Tumikhim si Thelma. Naiiling na sumagot, "Leticia Trajano, 23 years old, student council of Cavite State University. Natagpuan siyang patay hindi kalayuan sa Unibersidad."

I gasped and covered my mouth.

"What the hell?" I exclaimed. 'Di ko nga alam kung bakit pa ako nagugulat kung gayong buwan-buwan na itong nangyayari. Para ngang normal na ito sa administrasyong Laxamana.

The President's Paramore Where stories live. Discover now