Episode 17: Bulge

6.4K 153 56
                                    

HINDI nagtagal ay nagawa ko namang tapusin ang pagkain ng breakfast nang hindi namamatay sa pagka-badtrip. Iba kasi talaga kung mang-alaska ang Presidente. Solid. Parang kapag pinatulan mo pa nga, ikaw lang ang ma-i-stress kaya ma-iisip mo na lang talaga ang magpatalo. Ang manahimik.

Jusko siya.

Kinuha na niya ang pinagkainan namin. I was just travelling my eyes towards him. Sobrang hands on niya talaga magmula pa kagabi.

As in, siya ang gumagawa lahat. Siya ang naghuhugas ng pinggan. Siya rin iyong nagwawalis. Siya rin ang tumulong sa akin sa paliligo. At kagaya kanina, siya rin ang nagluluto.

Right now, I am staring at his back while he is washing the dishes. I am just wondering, bakit ang dami niya yatang time sa akin? Presidente ba talaga siya o full time house helper ko?

Nang humarap siya sa direksyon ko ay agad akong nag-iwas ng tingin. Agad akong humarap sa TV at sumandal sa sofa. I can never let him know that I am watching him this whole time. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaking iyan. Assuming pa naman siya.

"Maliligo ka ba, sabay ako?" He asked and I poker faced at him. Matapos ay natawa lang naman siya. "Sabi ko nga, ikaw na lang muna. Mamaya na ako after mo."

Doon ay muli na niya akong binuhat. At doon ko lang napagtanto na may upuan na pala uli sa bathroom. Pinaupo niya ako doon at kagaya kanina ay tumayo siya sa gilid ko. Manyak talaga ang mokong, mukhang nag-enjoy siya kanina sa pa-liveshow ko kaya parang nag-e-expect uli ngayon.

"You may leave for now." I told him.

He blinked. Halatang hindi inasahan ang sinabi ko. "Baka kung mapaano ka—"

"Kaya ko na. Just leave the shower on, my body liquid soap and my shampoo beside me and I'll be fine."

Bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Halatang gusto niyang magprotesta kaso natarayan ko kaya't wala siyang nagawa. Letche siya, gusto ko namang maligo nang hubo't-hubad! Mas masarap kapag walang tapis sa katawan!

Bago siya muling bumalik sa labas ay pinaalis ko muna sa kanya ang mga bandage ko. He is so grumpy as he stormed outside of the bathroom. I only laughed at him.

Doon ay nagsimula na akong maligo. And swear, after a day of nothing but stress, I deserved this. I savored it as if it's my last. Ang maligamgam na tubig na dumadampi sa akin ay nakaka-relax. Para bang pinapawi nito ang lahat ng kaguluhang nangyari kanina. I found myself smiling as I just let the shower to send me to my own calming haven. The moist at the walls witnessed how my smile went from just a normal one towards the wider one.

And after a few minutes of me washing all of the dirts on my body, nagsawa rin ako. Bukod kasi sa naalala ko ang sinabi sa akin ng Doctor na bawal muna akong magbabad sa paliligo, unti-unti nang napapaso ang balat ko.

There, I started to look for my towel. But it was too late for me to realize it when I saw it hanging from the wall. There is no way I could get it now that I can't stand with my own feet.

So, paano 'to ngayon? Papapasukin ko na ba ang Presidente habang . . . habang nakahubad ako— I suddenly found myself smiling.

Why . . . not?

It will be fun to see how his lust appears on his handsome face again. Ang saya kayang makita kung paano siya maapektuhan dahil lang sa katawan ko. Kung papaano umalon ang prominente niyang Adam's apple nang dahil sa akin.

Hmm . . .

I think, it will be just okay. I know my limits and I'll just stop when things became too chaotic. But for now, I am going to seduce him. I am going to make him experience how his shirtless body affects me so fucking badly. Lintik lang ang walang ganti.

The President's Paramore Where stories live. Discover now