Episode 49: VP

2.9K 42 33
                                    

"JUST IN. Vice President Ellias Segundo died from a plane crash."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin matapos kong i-click ang link na si-nend ni Klaizer. May kung anong malamig na pakiramdam ang tila ba unang gumapang sa mga braso ko papunta sa aking ulo. Napalunok ako. And I tried heaving my deepest sigh but a strange heavy feeling is invading my chest. All I can do is to just swallow hard.

Pero ilang segundong pag-proseso ng mga nalaman ay agad rin naman akong bumalik sa aking huwisyo.

Si Yven!

Ang Presidente!

He has to know this!

Wala na akong hinintay pa na sandali. Dali-dali kong dinala ang mga paa ko patungo sa kwarto. Yven is still asleep when I reached him. Agad ko siyang tinapik sa balikat, nagpapanic akong ginising siya.

Mula sa pagkakadapa ay mabilis na tumihaya siya bago umupo. Natataranta niyang kinusot ang mga mata bago ako tiningnan. Bakas ng pagtatanong ang kanyang mukha, "why, baby? What happened?"

"VP Segundo just died this morning from a plane crash!" I exclaimed.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Kagaya ko kanina ay tila ba kinilabutan siya. Matapos ay napalunok siya bago huminga nang malalim.

"What the fuck?"

I pursed my lips. I placed my hand on my chest. Doon ay nalaman kong mabilis na mabilis ang pagkalabog ng puso ko.

But it was a few moment of silence who won between Yven and I. I was just waiting for him to just recover from the most shocking news that no one expected to have this morning.

"We have to go back to the Philippines now," sambit niya sa akin bago ako hinawakan sa kamay.

Pagtango lang naman ang ginawa ko. Matapos niyon ay sinuot na niya ang kanyang boxers at bathrobe. He is only wearing those as he started maneuvering the yacht. Habang nag-da-drive siya ay may tinatawagan siya. Huli na noong ma-realize ko na si Denver pala uli iyon. Ngayon kasi ay tanaw ko mula sa dalampasigan ang helicopter na nagdala sa amin dito kagabi.

But all through out the whole drive, I was busy chatting with Thelma and Lijah. The both are anxious about the current shocking news. Kasalukuyan silang nasa Manila Doctors Hospital. Maraming mga media ang ngayo'y nandoon para makakuha ng inpormasyon patungkol sa yumaong na Bise Presidente.

Nang marating na namin ang dalampasigan ay unang sumalubong sa akin ang mga bodyguard ni Yven na sina Jacob and Rufido. Brione is not here which is suprising, he is always in the picture whenever the President is out of the country. I dared not to ask about him because there is much more important thing that needs to focus on right now than him.

Nang makasakay na kami sa loob ng helicopter ay tahimik lang si Yven. May bakas ng pagkabahala sa kanyang mga mata. I tried to shove it away for him as I hold his hands. Pinisil-pisil ko iyon. Thankfully, I managed to calm him down. I know he calmed down when he gave me a small smile.

"You should rest for now. Mamaya ka na mamroblema," I told him. Hinawakan ko siya sa ulo at pinasandal sa aking balikat.

Ramdam ko ang malalim niyang pagbuntonghininga. But he instantly closed his eyes. Doon ay hinalikan ko siya sa kanyang sentido.

"Everything's going to be fine. Just calm down for you to think clearly about your next move from this incident," I caressed his manly arms.

Isang pagtango lang naman ang kanyang itinugon sa akin. I just let him enjoy his silence. I centered my gaze to the window. I saw the blue skies. But as I continued staring at the fluffy clouds, my mind was invaded by my thoughts.

The President's Paramore Where stories live. Discover now