Episode 16: Reporters

4.8K 128 76
                                    

ILANG minuto ang nakalipas, nakarating na rin kami ni Lijah sa condo ko. Ngayon ay binuhat niya ako paupo sa sofa. Doon lang ako naging komportable. 'Di kasi talaga ako okay doon sa wheelchair.

"Matagal-tagal din akong hindi nakatambay sa condo mo, Zabi." He started while resting his back at the backrest. Ngiting-ngiti siyang inililibot ang mga mata sa aking condo.

"Naaalala ko, lagi kaming tambay dito nina Walter at Thelma noong mga panahong wala pa kaming trabaho." He chuckled. "One thing na talagang memorable sa akin ay iyong mismong araw na parang gusto na naming sumuko sa pangarap."

Nauna kasi akong makapagtrabaho sa kanila. Ako iyong unang natanggap sa trabaho sa batch namin. Pumangalawa lang si Ayesha na kinailangan lang naman ang kapit ng tatay niya para matanggap sa position.

"Yes, and I can still remember how anxious were y'all." I started with a smile. It's as if there is a projector infront of me right now, and the memories of that day is playing on it.

"Thelma is crying. Walter's face is sad and you are just quiet. That time, pare-pareho kayong hindi pa alam kung ano ang patutunguhan ng buhay. Pare-parehong nag-iisip kung para sa inyo ba talaga itong pagiging reporter."

Lijah threw a look at me. His eyes are also smiling. "Yes, I can still remember back then, I was so close to becoming a College Instructor had my TV station didn't call me the day I decided to quit my dreams of becoming a reporter and face the reality . . . the wiser path."

"And I am really glad that the stars aligned for your dreams, Lijah." Saad ko. "Kasi tingnan mo na ikaw ngayon, isa ka nang regular na field reporter. Nakakarami ka na rin ng exclusive reports. Naungusan mo na nga ako, eh."

"Sus," he scoffed playfully. "Ikumpara mo sa dami ng exclusives ko ang laki ng impact ng exclusives mo. Mas angat ka kasi mas pinag-usapan ka."

I only laughed.

"Pero alam mo recently, may nag-alok sa akin ng acting job." Ang dagdag pa niya.

"Really?" Ang natatawa kong sagot.

Well, hindi na naman iyon nakakapagtaka kasi gwapo naman talaga ang isang 'to. His hair is always neatly combed, lagi iyong clean look. His skin tone is milky. And his face is much more of an actor with a boy-next-door appeal and brand.

Kung susumahin, sa sobrang linis niyang tingnan ay tila bang mukha siyang amoy-baby. Iyong walang oras na naging mabaho? Iyong always amoy-polbo ng bata.

"Oo, kaso tinanggihan ko." Tumikhim siya.

"Bakit naman? I am sure, magiging maganda rin ang karera mo doon. Marami kayang nagka-crush sa 'yo lately. Nag-trending ka pa nga sa isang TV guesting mo, eh. Gwapo mo rin kasi, eh. Kainis."

Umiling siya at natawa nang bahagya. "Gwapo ako? Hindi ako naniniwala."

"And why?" I squinted my eyes at him.

Mula sa kisame, isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. Matapos ay tumingin siya sa akin. "Kung totoo 'yon, edi sana gusto rin ako ng gusto ko."

"Eh ang tanong kasi muna, alam ba ng gusto mo na gusto mo siya?"

"Hindi."

Nagkamot ako ng ulo na para bang ako ang na-i-stress para sa kanya. "Ang hirap kasi sa 'yo, ang torpe mo."

Which is true naman. Ever since College kami ay ganiyan na talaga siya. Kapag may nakukwento siyang babae na nagugustuhan niya from other department. Kami pa nga actually ang gumagawa ng paraan para sa kanya, eh.

Kaya ayan, heto siya. Single pa rin at the age of twenty six. Mukhang balak yata nitong manatiling single forever.

"Torpe agad? 'Di ba pwedeng naghihintay lang ng tamang timing?"

The President's Paramore Место, где живут истории. Откройте их для себя