Episode 5: Chosen

6.2K 194 54
                                    

GREAT. Just great! Ako talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng exclusive report ang rival ko! Nakakainis! Badtrip!

"Okay ka lang ba, Zabi?" ang tanong ni Damson.

"Oo!" Mabigat na paghinga ang ginawa ko. Pinaypay ko sa sarili ang script na hawak-hawak ko. Tila ba sa mga segundong iyon, nag-aapoy ang ulo ko sa ini!

Nakakainis talaga!

Kung alam ko lang talaga na exclusive-worthy pala iyon, sana ako na lang ang nag-cover! Sana vinideohan ko na lang habang sinusundan ang Presidente papuntang elevator! Edi sana, naunahan ko ang gagang iyon na magkaroon ng exclusive report!

"Ay, galet na galet? Mananaket?" Pagtawa ni Damson. "Shut your bitter ass now, ikaw na ang sasalang."

Isang mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko. Matapos ay itinapon ko na ang script ko sa kung saan nang marinig na ang mga news anchors mula sa teleprompter.

"Magandang gabi, Luzon, Visayas, at Mindanao. Wala pong nakapigil sa mga nag-po-protesta laban sa Presidente. Doon, hindi sila nagpatinag sa init ng panahon," ani Olivia Montesano, ang batikang news anchor ng network.

Sinundan iyon ni Zoren Baltazar, isa ring batikang news anchor. "At hanggang ngayon ay wala pa rin silang balak huminto. Dala ang kanilang mga banner at tarpaulin, hindi pa rin sila nababawasan. Mula sa tapat ng Malacañang, nakatutok live si Zabiana Pascual."

That was our go signal. Damson gestured me that we are already on air. Doon ay isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago magsalita.

"Olivia at Zoren, pagbaba sa pwesto, iyan lang ang nais ng mga raliyista. Anila, hindi na raw natutugunan ng Presidente ang mas mahalagang mga problema ng bansa. Idagdag pa rito ang wala raw sa hulog na pagpapatupad niya ukol sa . . ." Bigla akong natigilan.

Fuck . . .

Fuck!

Anong kasunod?

Where's my script?

And more importantly, bakit walang nakalagay sa teleprompter ko?!

"Uhm," it was an awkward silence. Swear, I am about to cry.

Doon ay nataranta rin si Damson. Agad niyang pinulot ang script ko sa sahig. Then he mouthed me the next words that I should muster, "issue sa droga."

This is the very first time I became so unprofessional. Isa itong malaking suntok sa pride ko dahil ni minsan ay hindi pa ako nagkakamali sa harap ng camera.

Umiling muna ako bago nagsalita. "Ukol sa droga p-po . . ."

I started to stutter and I really hate it. "P-Para sa kanila, iyon ay sumasalamin laman sa kawalangyaan—I mean, pagkukulang ng Presidenteng maunawaan kung ano nga ba talaga ang problema ng bansa."

Matapos niyon ay hindi na kami ang naka-ere sa telebisyon. Pinalabas na dito ang pre-record ko ukol sa buong konteksto ng cinover ko.

"Ayos ka lang ba talaga, Zabi?" Damson asked me. "You seemed bothered lately."

Napasapo na lang ako sa noo ko. Kasalanan ito ng Presidente, eh! Kasalanan niya talaga 'to!

Sa inis ay gusto ko na lang talagang magwala. Ito kasi talaga ang kauna-unahang pagkakataon na nawala ako sa nirereport ko. Hiyang-hiya ako to the point na para bang wala na akong mukha pang maihaharap the moment na mag-air uli ang pagmumukha ko sa television.

Inabot sa akin ni Damson ang script ko, "kalimutan mo muna ang bumabagabag sa 'yo," tinapik niya ako sa balikat, "mamaya na 'yan. Focus ka muna sa report mo."

The President's Paramore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon