Episode 48: Golden

1.7K 34 60
                                    

SMILING wide like a teenager, that's me as I made my way towards the roof top where Yven is currently located. Ano na naman kayang paandar niya ngayon? Anong nakain niya at nagpapaka-Christian Grey yata siya bigla? Main character mindset talaga 'yon, kahit kailan.

The moment I reached the highest floor of the elevator, I climbed the stairs towards the roof top. The metal door is close and with my petite body, I had a hard time opening it.

Dominant wind started to welcome my face. My hair started to have a wave-ish moment. And then when I looked at the center of the roof top, there was a man. Standing beside a helicopter under the beautiful night sky with the millions of stars and the majestic full moon.

He is wearing a black polo shirt, the cuff of it is flashing how big his biceps are. Moreover, naka-tuck in ito mula sa kanyang khaki trousers. He is looking young with his black J1 nike shoes.

Pinigilan ko ang mapangiti. Gwapo, kainis.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa kanya. Dito ko lang napagtanto na nakasalamin pala siya. Unang beses ko itong nakita mula sa kanya. Hindi ko alam na malabo pala ang kanyang mga mata.

"Ano na namang paandar 'to?" Sambit ko habang patuloy sa paghampas sa aking mukha ang malakas at malamig na hangin.

He laughed, "just doin' what my Disney Princess deserved the most."

Napairap ako at napatawa. Pang-asar niya kasi akin ang Disney Princess na 'yan kapag nagiging palautos ako. O hindi naman kaya ay nagpapaka-attitude ako.

"Ano nga? Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit kailangan may thrill pa?"

Puwesto siya sa likod ko. Hinawakan niya ang mga balikat ko at bahagya itong pinisil-pisil, "just wait and see. For now, hop in the copter because our driver is having tantrums already."

"What?"

Nang mapatingin ako sa driver's area ng copter ay nakita ko si Denver. Nakasimangot siya kay Yven pero nang mapatingin sa akin ay agad namang ngumiti.

"Yeah, the favorite pilot of the President is here," he told me with sarcasm and I giggled. "Sakay ka na, Ma'am, para mahatid ko na kayo sa date ninyo at makabalik na rin ako sa ka-date ko-"

"Dami mo namang sinasabi," Yven cut him off. Inalalayan niya akong sumampa sa helicopter.

Tatawa-tawa pa rin ako nang sumakay na ako. Nang tumabi na siya sa akin ay agad munang siniguro ni Denver na nakasuot na kami ng seat belts and other essential gears. Nang masiguro niyang okay na ang lahat ay dito na nagsimulang gumawa ng ingay ang sasakyan pang-ere. Before I knew it, we are now flying towards the sky. We are now under the busy lights of Manila.

I was smiling the whole time as I looked under us. Ang gandang pagmasdan ng mga ilaw sa ibaba, ganiyon na rin ang mga building. Para ba silang mga laruan sa aming pwesto.

All through out the ride, Yven is holding my hand. Pinipisil-pisil niya pa ito. Kung minsan pa ay hinalik-halikan niya pa. These usual gestures of him never failed to create a zoo on my stomach.

"OH nandito na po tayo, Prinsipe at Prinsesa," ang sambit ni Denver. He is with a humorous and antagonistic face.

"Thanks, Denver. At sorry sa abala nitong kaibigan mong main character," ang natatawa kong sambit. Si Yven naman ay walang pakialam, inalalayan niya ako pababa sa copter.

"Bye, Denver! Ingat ka!" Ang sambit ko nang makababa na ako.

"You too, Zabi. Ingat ka sa kasama mo-"

"Moron," Yven mumbled while laughing.

Huling pagkaway pa ay hinila na ako ni Yven papalayo sa copter. Nang tumalikod na kami dito ay muli kong narinig ang maingay nitong tunog. Pero nabura doon ang atensyon ko nang ibaling ko na ang aking mga mata sa magandang tanawin na nasa aking harapan.

The President's Paramore Where stories live. Discover now