Episode 27: Sigh

4.6K 136 66
                                    

JUST like a domino effect, everything is a reflection of what we chose to decide from our present. One move and everything will be affected. And one wrong move will lead to another. The outcome of our decision is a constant reminder that our life is connected with one another and that we are responsible for the effect of the path that we have chosen.

Katulad na lang ng nangyayari rito kay Yven. When he chose to run for Presidency last three years ago and motivated the people to vote for him, he should have known better. Dapat, hinanda na niya ang sarili sa mga pwedeng mangyari. Dapat alam niyang isa iyong responsibilidad na nangangailangan ng mas malaki pang solusyon.

Isang bansa ang niligawan niya. Ilang milyon ang lumaban para sa paniniwalang siya ang deserving sa pwesto. Nang makuha na niya ang puso nito at sagutin siya nito, dapat ay handa na siyang pagsilbihan ang mga ito nang tama. Sa kung papaano niya ipinangako ang langit sa kanila, dapat ay gayon din ang pagbalik niya ng tiwala sa kanila.

Langit ang kanyang ipinangako at dapat ay tumbasan niya iyon ng totoong langit-kaginhawaan para sa mga mahihirap, maraming trabaho, matibay na pundasyon para sa agrikultura, at higit sa lahat, katapusan ng kurapsyon.

Pero hindi niya nagawa.

Kasi hindi niya kaya. Kasi lahat ng pinangako niya ay isa lamang pangakong nakasulat sa buhangin. Pangakong hindi niya naman kayang panindigan pero sinabi niya pa rin para lang manalo.

Kaya ngayon heto siya, problemado sa kahirapan na nararanasan ng buong bansa. Sa pagtaas ng poverty rate, hindi ko na rin masisi kung bakit marami ang piniling mag-rally laban sa kanya. Kung bakit marami ang mas gustong kalabanin siya keysa kampihan. Gutom at pagod na ang mga Pilipino, they deserve better and they will always speak out for it.

Mga Pilipino ang naghalal sa kanya at mga Pilipino rin ang maaaring magreklamo sa serbisyong ibinibigay niya. Higit sa lahat, sila ang may karapatan na lumaban kapag alam nilang hindi na tama ang nangyayari. Sila ang higit na mas makapangyarihan sa lahat dahil nakatira kami sa isang demokratikong bansa. And the people should always be heard.

Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan ni Yven. Inilapag na niya sa mesa ang news paper, seems like he surrendered from the problems that only welcomed him there. Like, all he wants right now is to just take a break and breathe. Because everything appeared to be suffocating right now.

Doon ay minabuti ko na lang na ibahin ang topic. Kasi aaminin ko, pati ako ay stress na rin. Pati ako, nadadamay sa stress niya. Ganito kasi talaga ako, kapag alam kong hindi okay ang kasama ko ay nahahawa ako.

"Matanong ko nga," I started, "curious talaga ako. May ginagawa ka ba talaga bilang Presidente?"

All of the words slip from my mouth even before I stopped myself. Teka, bakit parang mas stressing yata iyong natanong ko? I winced and I really want to hit myself right now.

Mabilis niya akong tiningnan. Matapos ay ngumuso siya. Tila bang offensive talaga ang natanong ko.

"Oo naman," he replied quickly, there is a defensive tone on his barritone voice, "maya't maya akong nagpapatawag ng meeting para masolusyunan na ang mga problemang ito, ang kaso lang . . "

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. He just heaved a deep sigh as if he is so close at the edge of his sanity. Na para bang nasa rurok na siya ng kahibangan, at kaunti na lang talaga ay mahuhulog siya doon at mababaliw na lang nang wala sa oras.

"Wala lang, naguguluhan lang ako kasi parang ang dami mong time sa akin," I tilted my head. "Na parang lagi kang bakante? Ang expected ko kasi, maya't maya kang may katawagan. Maya't maya kang may inaasikaso. Iyong busy ka talaga tapos wala akong mahihinging oras sa iyo."

The President's Paramore Where stories live. Discover now