Episode 41: Ayesha

3.9K 100 37
                                    

BACK to work, ito ang naging drama ng buhay ko the moment na narating ko na ang TV Station namin. When I reached the hall way, the lady guard welcomed me with her usual friendly smile.

"Welcome back, Ma'am Zabi. Kamusta na ho kayo?"

Nginitian ko siya nang mas matamis pa, "okay na ho ako, Ma'am. Naka-recover na at ready nang muling magtrabaho."

"Maganda hong marinig iyan mula sa inyo."

Nginitian ko muna siya nang huling beses bago ko piniling pumasok na sa loob. At kung susuwertehin pa nga, umagang-umaga pero demonyita ang nakasalubong ko.

"Oh, the garbage is back na pala," nakataas ang kanyang kilay habang naglalakad papalapit sa akin, "well, saan ka pa nga ba pupunta? As if may tatanggap pang iba sa 'yo after ng scripted mong drama para makakuha ng clout—"

"Ayesha, wait," I smiled at her with all of the fakeness living on my body, "ayoko lang masayang ang laway mo sa wala pero pwedeng tumigil ka na lang? Kasi wala naman akong pakialam sa sasabihin mo? More so, lalong wala akong pakialam sa nararamdaman mo."

That seemed to caught her offguard. Bakas iyon sa kanyang mukha at sa bigla niyang pagkisap ng mga mata. This is the very first time I have ever shown her this side of mine. The sarcastic side. Gusto niya ng pettyness? E 'di sige, papatanyan ko ang pagka-petty mo. Mahirap talagang maging professional kapag ang babaeng ito na ang kaharap ko.

She is so quick to recover, "magsaya ka lang ngayon, Zabiana. Tandaan mo, hindi nagtatagal ang mga katulad mong user. You are not going to places—"

I cut her off again, "oh? Ako? User? How about we talk about the reporter who used the influence of her dad just to be a part of VCB Channel? Because news flash, she didn't pass the final interview?"

Tuluyan na siyang natigilan sa naging patutyada ko sa kanya. Kasi totoo. And that was my cue to grab ahold my price which is to see her walk out. Inirapan niya lang ako nang malala matapos ay dire-diretso siyang nagtungo sa entrance. Sa taas ng kanyang heels ay halos madapa pa siya. Natatawa at naiiling na lang talaga akong nagtungo sa office ni Ma'am Victoria.

"It's nice to see you back, Zabiana," Ma'am Victoria hugged me as if a mother who longed to her long lost daughter.

"Na-miss kita, Ma'am, pati na po ang mga sermon mo," natatawa ko namang sambit sa kanya.

Doon ay nag-usap pa kami ni Ma'am Victoria. Hanggang sa inilatag na nga niya sa akin ang mga nakahaing proyekto ko. They wanted me to finish my documentary as soon as possible and then after daw niyon ay may offer silang gawin akong showbiz anchor for which I initially declined. Wala akong pakialam sa buhay ng mga artista. My focus are always diverted to the current events of the country.

"I know you'll decline," Ma'am Victoria laughed, "that is why your are my top one out of all the five reporters na umabot noong final interview. Wala kang ibang gustong ipahayag sa buong mundo kung hindi ang mga kasalukuyang nangyayari sa atin bansa. You only care to what matters the most."

"Right, Ma'am," I smiled at her.

But then I was not ready for it when all of a sudden, she held my hand. Tight.

"You know what, Zabiana? I am really proud to what have you become now," nakangiti siya sa akin ng malawak, tila ba isang ina na tuwang-tuwa sa narating ng anak, "you are way far from that fresh graduate who I interviewed before."

Then she laughed, her eyes are also smiling, "I can clearly remember before, you had me at hindi paninira ang pagsasabi ng katotohanan."

"I am really grateful po sa opportunity na ibinigay ninyo po sa akin, and I promise to do my very best pa po in order to give back what the station deserved from me."

The President's Paramore Where stories live. Discover now