Episode 33: Checkmate

4.5K 109 44
                                    

Papunta pa lang tayo sa exciting part. That's all I can say.

"Zabi, jut go straight to the point please," Yven mumbled. Patience obviously left his system.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. 'Di alam kung papaano sisimulan ang gusto kong patunguhan ng pag-uusap namin na ito. 'Di mawari kung tama pa bang humantong ako sa sitwasyon na ito.

Pero . . .

Pero isa lang ang alam ko. Na gusto ko ito. Gustong-gusto ko ito.

I want to give this a try . . . I want to take a leap of faith in giving him a try.

I like him, I can't deny it now. I am fond of him. He already occupied my mind. Sinakop niya ang mundo ko sa paraan na siya lang ang kayang makagawa. Inangkin niya ang buong atensyon ko. At ngayong nakakulong na ako sa mga bisig ng kanyang kakaibang karisma, wala nang pintuan pa ang makakapagpalabas sa akin laban dito.

"Let's date . . ." The words slip from my mouth before I could ever think about it, "let's date like, for real."

Mula sa narinig ay nakita ko ang bahagyang pag-awang ng kanyang mga labi. Kasunod niyon ay ang isang paglunok niya na sinundan pa ng makailang beses na pagkisap ng mga mata.

"Are you serious with that?" Mababakas sa kanyang mga mata ang pagkabigla, "pumapayag ka nang magpaligaw sa akin?"

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon. "Yes . . . You heard it right." At saka, kailangan ko pa bang pahirapan ang sarili ko? Alam kong gusto kita. Kaya bibigyan kita ng chance para patunayan ang sarili mo sa akin.

Pero muntik na akong mapatili nang bigla ay hilahin niya ang kamay ko. And then the next thing that I felt is his broad body grazing against mine. His warm embrace invaded me and it gave me the heat of comfort that I always love about him.

I totally lost it when his soft lips landed gently on my temple.

"I'll make sure I am gonna be worthy of your yes, Zabi," his barritone voice came. "Not gonna waste this chance. I'll fucking grab and own it."

Hindi na ako nakasagot pa kasi ang tanging nagawa ko na lang ay ang mapangiti nang patago. Hanggang sa naramdaman ko na lang na niyayakap na niya ako nang mahigpit.

Mula sa posisyon namin ay rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Sinasaliwan iyon ng tunog ng naghahampasan na alon at ng mga humuhugong na hangin. It was such a harmony on my ears and it is all producing nothing but bliss on my heart and peace on my mind.

Just like how Yven came crashing on my life with all of his prowess.

My checkmate.

I am trapped.

I was invaded.

And I am loving it.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad sa kahabaan ng dalampasigan. Magkahawak lang ang aming mga kamay. Wala sa amin ang nagsasalita. It's as if we are both just savoring the kind of peace that we are getting.

"But for the meantime . . ."  He broke the silence. Talagang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin na para bang kami ay bagong kasal. "I'm a bit hungry, you know."

Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, "so let me eat you."

And here we are again.

Napakagat labi ako at kunwaring hindi ito gusto. Hinampas ko siya sa malapad niyang dibdib pero wala na akong nagawa pa nang dalhin niya ako sa dulo ng dalampasigan. Sa likod ng isang malaking bato kung saan walang ibang makikita kung hindi ang liblib na mga puno at naglalakihang mga bato na may nakakamatay na tulis.

The President's Paramore Where stories live. Discover now