Episode 23: Spox

5K 140 78
                                    

"HEY, bakit nandito ka?" Ang bulalas ko. I am still blinking as I continued staring at Lijah as if he grew another head.

Of all the people that I can expect to see in a place like this, he is prolly not the last but surely excluded from the list. Hindi marunong uminom ang isang 'to. At saka sa aming magkakaibigan, siya lang ang may radikal na pag-iisip kapag may problema. He would rather resolve it with just relaxing than getting drank his ass off.

'Di na ako magtataka kung si Walter ang makikita ko rito. Pero kung siya? Naku, mukhang imposible.

"Uhm," he started. Ngayon ay para ba siyang nahihiya kung ngumiwi habang natatawa, "wala, gusto ko lang mag-relax—"

"Mag-relax?" Ang agad kong pagputol sa kanya. "Nag-re-relax ka talaga sa lugar na ganito?"

Hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit ako nagugulat. Kasi alam kong alam niya na kilalang-kilala ko siya. Noong college kasi kami, his way of coping up with stress is just playing online games. He needs to distract himself with it for about an hour at matapos n'on, nakakagulat na lang talaga na okay na siya. Bilib nga ako sa isang 'to dati, eh.

"Grabe," he is now laughing casually, "hindi ba pwedeng matured version of Lijah na ako na gumagawa ng matured stuff?"

Patuloy ko siyang tiningnan na para bang isa siyang nakakalitong misteryo ng mundo. "Sabihin mo nga, sino ang nagturo nito sa 'yo? Si Walter ba? Sabi ko na, eh! Bad influence talaga 'yon sa 'yo!"

Naiiling na lang talaga siyang tumawa. I am only scowling at him as I heard him told the bartender to give him the same drink that I am drinking.

"Grabe sa bad influence? Eh, ikaw nga. Andito ka rin. So, bad influence ka rin?"

I poker face more. "Atleast, I don't lure you here."

He only shrugged while laughing. At napangiwi na lang talaga ako nang humigop na siya ng pink margarita. There, I made a mental note to hit Walter when I see him again! Ang inosente nitong si Lijah para impluwensyahan niyang mag-inom!

"Teka, maiba mga tayo." He started again, he has to scoot closer to me in order for me to hear him. Masiyado kasing malakas ang tugtog. Dagdag pa rito ang hiyawan ng mga nagsasayawang mga tao. "Bakit nandito ka? May problema ka ba?"

Shoot.

Great, Llijah. I am having a good time here tapos ipapaalala mo lang sa akin kung bakit ako nandito? Just great. Fucking great.

I tried not to bitch out. "Hindi, ah. Wala lang. Trip ko lang mag-inom, bakit ba?"

"Kilala kita, Zabi." Mataman niya akong tiningnan. "Hindi ka nag-iinom nang wala lang."

Doon ay humigop uli ako ng margarita. Still trying hard to hide the emotions I am burrying beneath my chest. Nakakainis na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang problema ko. Kasi ano nga ba ang sasabihin ko? Pwede ko bang casual na sabihin na ito kasing Presidente Yven, nilalandi ako habang may girlfriend pala?

"It's okay if you don't want to share. Pero ayon, if you want, I will accompany you for the rest of the night." He offered, "and I think the right way to do that is not to get drunk here."

"What do you mean?" I responded.

"Want to take a walk outside?" He replied quickly, "I am sure, you will going to like it."

With what he just said, I found myself sighing. Tumingin ako sa margarita na hawak ko. Matapos ay sa magugulong tao na nagsasayawan sa likod namin. Mukhang oo nga, hindi ako makakapag-relax sa ganitong lugar. At saka, wala na rin naman ako sa edad kung saan okay lang sa akin ang gumising bukas na may hangover. Masiyado akong stressed para doon.

The President's Paramore Where stories live. Discover now