Episode 51: Revelations

899 20 8
                                    

NANG makalabas na ako sa Condo Building, lalong tumaas nang tumaas ang tensyon na namamayani sa puso ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos sa bawat paghakbang patungo sa cafe kung nasaan ngayon ang estragherong nag-text sa akin.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na tinatahak ko ngayon. Lalong hindi ko alam kung ligtas ba ito. Ang gusto ko na lang talaga ngayon ay ang masagot lahat ng katanungan na namamayani sa isipan ko.

It was probably a few minutes when I finally reached the cafe. Marami pa rin tao ang nasa daan, ganiyon na rin ang mga kotse na ngayon ay maingay na bumubusina dahil sa traffic. Mukhang wala naman talaga akong dapat ipag-alala dahil wala naman sigurong kriminal na maglalakas loob na gumawa ng masama sa ganito kadaming tao.

Huminga muna ako nang malalim bago ko hinawakan ang malamig na handle ng glass door. Para akong mawawalan ng bait sa kaba nang makapasok na ako sa loob ng cafe. Ang matapang na aroma ng kape ang unang bumungad sa akin. Kasunod niyon ay ang ingay ng mga tao na sinasaliwan ng malakas na tugtog mula sa speaker.

Dito ay maraming tao ang mga nakaupo. Mukhang wala pa ngang bakanteng upuan.

So... nasaan na si Mr. Stranger? Or Ms. Stranger? O kahit na ano pang gender niya! Nasaan na siya?

Nagpalinga-linga ako sa buong paligid pero huli na lang din noong ma-realize ko na para akong tanga sa ginawa ko. First of all, hindi ko naman alam ang mukha ng estrangherong iyon. Second, ano nang gagawin ko? Dapat bang isa-isahin kong tanungin ang mga tao dito kung sila ba ang siraulong nag-te-text sa akin?

Lalo akong na-stress!

Pero agad naman akong napatalon nang bigla, may humawak sa braso ko. Pero ang pagkagulat na iyon ay napalitan ng pagtataka nang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

Brione?

Ang bodyguard ng Presidente?

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at agad na binawi ang mga braso mula sa pagkakahawak niya. Kaya duda talaga ako sa isang ito, eh. Never naging palagay ang loob ko sa kanya...

"I-Ikaw iyong estrangherong kausap ko sa text?" I told him. My voice is close to gasp.

Bagkus na sagutin ako ay ibinaling niya ang mga mata sa mga tao. Tila ba inaalam kung narinig ba nila ang sinambit ko. Pero nang mukhang makasigurado siyang walang pakialam sa amin ang nasa paligid namin ay muli niyang ibinalik sa akin ang kanyang mga mata.

"May gustong kumausap sa iyo, Ms. Zabianna. Mabuting sa kanya na manggaling ang mga rebelasyon laban sa Presidente na dapat mong malaman."

Sa mga narinig ay nagsisi akong kumagat ako sa trip niya. Hindi ko dapat ito ginawa sa una pa lang. Hindi ko dapat hinayaan na manalo ang kuriosidad ko.

Lalong naningkit ang mga mata ko, "No... kahit sino pa iyan, hindi ako sasama. Wala na akong pakialam sa kung rebelasyon iyang sinasabi mo."

Nginitian ko siya ng sarkastiko, "hindi ako nagkamali, may kakaiba sa iyo simula pa noong una kitang makita sa Malacañang. And just so you know, I can not just go with someone who is not loyal with his superior, because God knows you might also betray me just like what you are currently doing to the President."

Napahilamos siya ng mukha at muling ibinaling ang mga mata sa mga tao. Maingat na maingat talaga siya sa posibilidad na may ibang makarinig sa amin.

"Ms. Zabianna, this is not just about you. This is about the dark future of the Philippines if you chose to not talk with us tonight."

"So bakit ngayon? Bakit tonight? Hindi pwedeng bukas? Bakit ngayon talaga?"

"Because everything is already planned," tumingin siya sa paligid bago ituloy ang sasabihin. May puntong na-intimidate ako nang panlakihan niya ako ng mga mata, "President Yven is about to be assasinated tonight and we have to prevent it from happening."

"What?!—" napalakas ang boses ko. Mabuti na lang at agad niyang tinakpan ang bibig ko.

Pansamantala akong na-istatwa sa narinig. Pero ilang sandali ang lumipas ay nakabawi rin naman ako. Nagpumiglas ako sa kanya at inalis ko ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko, "don't you f*cking shit on me about that—about Yven's life."

"No one's shitting here, Ms. Zabianna," umigting ang panga niya, "I am telling the whole truth. And if you want to save your boyfriend and be at the right side of the history at the same damn time, sasama ka sa akin. You have no choice but us. No one's gonna help you tonight but us."

"Who's us?" Huminga ako ng malalim. Matinding stress na talaga ang namamayani sa akin, "tell me and I will decide if I will join you or not."

Isang beses pa siyang tumingin sa paligid bago sumagot, "Senator Leniah."

Napalunok ako nang malala. The Senate President? Pero hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na isa siya sa matinding kakampi ng oposiyon ni Yven. Kalaban niya ito sa politika. So... bakit siya nito tutulungan? Anong rason kung bakit magkakaroon siya ng pake sa kalagayan ni Yven?

Kung totoong nanganganib ang buhay niya, hindi kaya dapat ay magsaya siya? Wala na ang Bise Presidente, kung mawawala rin ang Presidente ay tiyak na siya na ang papalit sa pinakamataas na posiyon sa Pilipinas?

"Alam kong magulo pa sa iyo ang lahat. Alam kong kakaiba ang idea na iyong kalaban ng Presidente ang siyang tumutulong sa kanya ngayon," sambit ni Brione na tila ba nabasa agad ang iniisip ko. "Pero sa puntong ito, malinaw na kung sino ang sinasamahan ngayon ng Presidente ay siya ring mga kalaban niya. Mga Hudas na ano mang oras ay ipapahamak siya."

Isang napakalalim na hininga pa ang pinakawalan ko. Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko, napayakap ako sa sarili ko.

"Ms. Zabianna, we don't have much time left. We need to move now. Bago pa mahuli ang lahat, kumilos na tayo ngayon din."

I bit my lips. Then a few seconds of me trying to decide wisely, I ended up choosing my intrusive thoughts. I just nodded at him. That was also the point where he directed me towards a specific door of the cafe.

Nang makapasok kami ay maraming men in black ang nakatayo. May mesa sa gitna. Pero ang mga mata ko ay sumentro lang kay Senator Leniah na agad na napatayo nang magtama ang mga mata namin.

"Ms. Zabianna... thank you so much for coming." Ang nauna niyang sambit sa akin. She is giving me that motherly smile that never fail to calm me whenever I see it online or on television.

The President's Paramore Where stories live. Discover now