Episode 50: Text

926 26 11
                                    

HINDI ako mapakali. Paulit-ulit na binabasa pabalik ang text na na-receive ko kanina lang habang nasa traffic.

We need your help, Ms. Zabianna. Please, meet us in the coffee shop near your condo unit.

Who is this stranger?

More importantly, paano niya naman nakuha ang number ko? Tanging mga closed friends ko lang ang nakakaalam nito.

It was prolly one hour after I received this mysterious message. And my curiosity kept on bugging me. But on the other hand, my mind kept telling me no. I can not just go and risk myself just because of a text message from a stranger. Yes, a stranger. Kasi what if sindikato pala ito? What if kidnap-in ako nito at manghingi ng malaking ransom sa mga magulang? F*ck! Nag-o-overthink talaga ako!

Biglang sumakit ang ulo ko sa lahat ng nangyayari. Na-stress ako malala. I am not ready for this kind of thing. I am all for fun, not this kind of trip.

Huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Sumandal ako sa head rest ng sofa. Huminga pa nang mas malalim.

Ano ba kasing nangyayari? Bakit bigla na lang ganito? Bakit bigla na lang may nag-me-messag sa akin na kung sino?

I heaved my most stressed sigh today.

Napamasahe na lang talaga ako sa sentido ko. Tila bang ano mang oras ay magkaka-migraine na ako.

Pero bigla naman akong natigilan nang muling mag-ring and cell phone ko.

Napalunok ako ng laway.

Walang ibang maririnig sa buong condo ko kundi ang malakas na tunog na ginagawa ng cell phone ko. Kasabay nito ang kaba ko nang unti-unti kong ituon ang aking mga mata sa screen ng cell phone.

And from the notification area at the top of the screen, I saw a glimpse of the sender.

It was just a number.

And yes, new flash, it's the same one with the stranger who just texted me awhile ago!

Seriously, ano bang problema nito?! Anong trip nito? Siraulo ba 'to?!

We are still waiting for you here. Please, choose to be at the right side of history. Ikaw lang ang makakatulong sa amin, Ms. Zabianna.

Agad na kumunot ang noo ko. Puno ng question marks ang lumitaw sa aking mukha. Weird. History? Ako? Ano daw? What the hell is this one talking about?

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. I tsk-ed. Inirapan ko ang cell phone bago ako nagpasiyang tumayo. Hawak-hawak ang cell phone, nagpunta ako sa balkonahe. Imbes na bigyan ng pansin ang sender na kulang sa pansin, pinili kong patugtugin ang TTPD Album mula sa aking phone.

As the song called Down Bad started playing, naupo ako sa upuan at hinayaang humampas sa aking mukha ang malamig na hangin. My hair is now waving against the wind. And I chose to just busy myself admiring the view of the city. The city lights succesfully distracted my attention. I found myself getting lost by the beauty of it.

Pero bigla, muling nag-ring na naman ang cell phone ko. Mabilis pa sa alas kwatro kong tiningnan ang notification area. At talagang napamura ako nang tumambad na naman sa aking mga mata ang text ang estrangherong iyon.

Pero halos mabitawan ko naman ang aking cell phone nang mabasa na ang sunod niyang sinabi...

It's about your boyfriend, Yven.

The air from my lungs almost left me. At one moment, I was stunned. And then another moment, napahilamos na lang ako sa aking mukha.

This stranger is now using Yven's name...

At wala sa sarili akong nag-type. Mababakas ang kaba sa akin dahil sa panginginig at pagpapawis ng kamay ko. Ito ang dahilan kung bakit nahirapan ako sa pag-ta-type.

Dpn't shit on mw

Hindi ko na inalintana pa ang typo errors ko. Right now, my throat is dry as my heart started pumping hard against my chest. I was just waiting for the reply of this stranger. Wishing, praying, that this is just some sort of a prank.

Pero ilang minuto ang lumipas ay wala akong na-receive na kahit na ano mula sa kanya. It's like this stranger is torturing me alive. I was just here with the silence and curiosity, the both are killing me as seconds continued to pass by.

"Ano na?!" Ang bulyaw ko sa cell phone na para bang ito ang may kasalanan sa pagkairita ko ngayon.

Pero agad din naman akong kumalma nang ilang minuto pa ang lumilas, nag-notify muli ang cell phone ko.

You don't know the naked truth about him. The President is hiding something and you need to find it now before he use you as a trap against his true identity.

Meet us. Now.

The reply of that stranger just went like that. Lalo lang nitong pinalala ang curiousity ko. Napahalimos ako sa aking mukha. Ginulo ko rin ang aking buhok.

Hindi ko na natiis pa ang sarili. I hit the call button. Pero para bang sinusubok talaga ng estrangherong ito ang pasensya ko. Hindi ako nito sinagot. Direkta akong pinapatayan nito sa bawat pagtawag ko sa kanya. Sa inis ay pumasok na lang akong muli sa loob at kamuntikan ko na talagang maibato ang cell phone ko.

Napahiga na lang ako sa carpet. Para akong timang na nakatulala sa kisame. Nakikipaglaban sa sariling utak. Pero sa puntong ito mas nananalo ang kuriosidad kong malaman ang tungkol sa tinutukoy ng estrangherong ito. Kahit na mukhang mapanganib, kahit na ang tanga ng idea... may kung ano sa akin ang nagtutulak na tumayo at puntahan siya.

Seems like I don't have much of a choice right now.

"It's about Yven. I have to know it. I have to unravel it." I told myself before I stood up.

Wala na akong naging choice kundi ang sundin ang estranghero. I wear a hoody and black face mask before I went out of my condo unit. Hindi ko na inalintana pa ang panganib na pwede kong kaharapin dahil dito. Basta ang gusto ko lang ngayon ay ang malaman ang pakay ng estrangherong ito. Kailangan kong malaman kung ano nga ba ang tinutukoy niya.

But the thing is... am I ready for it?

The President's Paramore Where stories live. Discover now