Episode 52: Yven

1.3K 42 42
                                    

There is this one moment in your life where you will question everything. That one detour in your life that will either test your limits or demotivate your spirit.

That moment is happening now, as I sit infront of Senator Leniah. Combatless. I am only with my curiosity and faith that these revelations that they are pertaining will never hurt me.

"I am still confused, Senator," I told her genuinely. God knows can atest how confused and distraught I am right now.

Ang alam ko, masaya lang naman kami ni Yven nitong mga nakaraang araw. Hindi ako handa sa ganitong scenario kung saan ay may posibilidad siyang mawala sa akin. Kung saan, pwedeng mangyari ang pinakakinatatakutan ko, ang iwan niya ako at hindi ko na siya makakasama pa.

"Is it true? Yven is about to be assassinated tonight?" I asked, my voice is so close to breaking.

Sa mga puntong ito ay nagdadasal na lang ako na sana nagloloko lang sila. That it was just a prank for a freaking stupid TV show. At some point, mas matatanggap ko pa nga na isa itong set up to kidnap me. Basta ligtas lang si Yven, okay na sa akin kahit ano pang mangyari sa akin.

Pero para bang gumuho ang mundo ko nang makita ko kung papaano tumango si Senator Leniah. Her eyes are screaming sadness. Agad rin naman iyong napalitan nang nakita niya kung papaano mamutla ang mukha ko sa konpirmasyon niya.

"But we will do everything, Hija. We will save the President no matter what happen," ang sambit niya bago hinawakan ang kamay ko.

"But before anything else, I have to tell you about the context. The origin where it all began. And I really do hope you just listen to what I am about to reveal because it's the whole truth. It's that one naked truth that President Yven tried to hide from you... and from all of us."

Tumango lang ako. Naghintay. Napapalunok at napapakapit sa laylayan ng t-shirt ko. Pilit kong nilaksan ang loob ko para maging handa sa kung anong rebelasyon ang ihahain sa akin ng Senadora.

Nang itaas niya ang kamay ay doon ko lang na-realize na may hawak pala siyang isang remote. Nang pindutin niya iyon ay biglang bumukas ang projector. Dito ay tumambad sa amin ang kasalukuyang nagpa-flash sa screen.

Isa itong naaagnas nang bangkay.

Naduwal ako. Sinubukan ko ang 'wag mandiri. Sinukan kong tatagan ang loob. Ngunit hindi ko na napigilan ang tuluyan kong pagsuka nang isentro ko ang mga mata sa mga uod sa bandang mukha.

Pero teka... parang pamilyar ito!

Yven?!

Napatingin ako bigla kay Senator Leniah. Puno ng pagtatanong ang mukha ko.

"The President is dead."

Naningkit ang mga mata ko, "p-po?" Labis akong naguluhan kasi kanina lang ay kasaup ko pa si Yven. Buhay na buhay siya kanina. Imposibleng ilang oras ang nakalipas ay maaagnas na siya agad ng ganito.

"The Yven Juancho Laxamana that is currently leading the country is only just a clone. The real Yven who won a few years ago is dead."

Napakurap akong lalo.

Tila ba lalo akong naguluhan.

Lalo akong nanghina.

A-ano daw?

"The corpse that you are seeing right now is him. Sa suspetya ng mga imbestigador ay ilang linggo lang ang lumipas bago siya namatay. Puno ito ng mga pasa sa katawan, halatang pinahirapan muna siya bago patayin."

"B-But wait, how sure are you na it's him?"

Muling pinindot ni Senator Leniah ang remote, dito ay scanned copy naman ng isang papeles ang lumabas sa screen.  

The President's Paramore Where stories live. Discover now