Episode 31: Hawaii

4.4K 111 22
                                    

KUNG ako lang talaga ang tatanungin, tutulungan ko ang mga kaibigan ko kung may choice lang talaga ako. But the sad truth is, wala eh! Hindi pwede!

Sa totoo lang, kayang kaya kong buksan ang bintana ng SUV na ito nang sa gayon ay makakuha sila ng litrato ng Presidente. Nang sa gayon ay makakuha sila ng footage na pwede nilang maipalabas sa television. Napakalaking bagay na niyon para sa aming mga reporter dahil people are always curious to see things. Kung makikita nila ang laman ng sasakyan na ito ay talagang pagpipiyestahan nila ito.

But the thing is, hindi talaga pwede! Kasi kapag ginawa ko iyon ay mapapahamak din ako! Damay ako sa gulo na pwedeng magawa niyon. Kawawa din ako dito kapag nagkataon!

Napapangiwi na lang talaga ako nang matindi. Lalo na niyong nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan paalis kung saan naroon ang mga media. Nakita ko talaga kung papaano magpakahirap ang mga kaibigan ko sa paghabol sa amin. Sobrang naaawa na talaga ako!

Pero ilang saglit ay tuluyan na kaming nawala sa kanilang mga mata. At ngayon, nakokonsensya talaga ako para sa mga kaibigan ko! Pakiramdam ko ay para bang ang sama kong kaibigan. Na para bang ang walang kwenta ko pero sigurado naman ako, kung nasa sitwasyon lang talaga nila ako ay paniguradong ganoon din ang gagawin nila! 'Wag nga silang ano diyan!

"Alam mo bang tatlo sa mga media personnel na humabol sa atin ay mga kaibigan ko?" I told Yven while still wincing hard.

"Oh," he blinked as he replied, "I didn't know. Sorry that we have to flee from them."

Patago na lang talaga akong napahilamos ng mukha. Kahit naman alam niya iyon ay paniguradong wala rin siyang magagawa! Kasi ano ba ang gagawin niya? It is not like he is going to do something about it. Saka tinatakasan nga namin sila. Ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay ang ibaon ang lahat ng mga alaalang ito sa limot nang sa gayon ay hindi ko ito aksidenteng masabi sa kanila. Kasi kapag nasabi ko ito, baka kutusan nila ako isa-isa!

Ngayon ay patuloy kami sa pagbaybay sa isang para bang madilim na tunnel. Tila ba itong isang underground road. Ngayon ko lang talaga ito nakita at nalaman. Mayroon pa lang ganito sa NAIA.

"This is the emergency pathway for the higher officials of the government," Yven suddenly disclosed without me asking for it, it's as if he has this power to read my mind, "hinanda ito para kapag nagka-giyera raw sa Pilipinas ay mabilis na maitatakas ang Presidente."

I nod. This additional knowledge is kind of cool, I might say. I never heard it before.

"Pero hanggang ngayon ay confidential pa rin ito para sa publiko. Iniiwasan lang talaga ng NAIA na kapag nangyari nga ang giyera ay lahat, magmamadali para dumaan dito. Kapag nangyari kasi iyon ay paniguradong magkaka-aberya tayong lahat."

"Alright," I only replied to him.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating na rin kami sa landing area ng mga eroplano. Nang makababa na kami ay naghahantay na ang isang jetplane sa harap namin. At sa pintuan niyon ay may isang lalaki ang nakapamulsa. He seemed not happy while darting a gaze at Yven.

Siya ba si Denver? Iyong pinaguusapan nila ni Jacob kanina? Iyong istrikto daw sa oras sabi ni Yven?

"Denver, my friend." Ani Yven habang nakangiti sa lalaki.

"Wala ka pa rin talagang disiplina sa oras, Laxamana. Kailan ka magbabago? Kapag nangyari na ang EDSA Revolution 3 para patalsikin ka?" Ang matigas nitong sambit.

He is a good looking man. Malakas ang hitsura niyang foreigner. Mukha siyang half. His hair is blonde and his eyes are blue. Pero sa facial features niya ay lamang ang hitsura ng isang asian. His look is rarely beautiful. Kung magiging model ang isang ito ay tiyak na pagaagawan siya ng mga clothing brands.

The President's Paramore Where stories live. Discover now