Episode 6: Interview

5.4K 183 67
                                    

KABA ang unang namutawi sa dibdib ko the moment na nakababa na ako sa sasakyan ko. Ako lang. Wala akong kasamang kahit na sino. Utos daw kasi ng Presidente na h'wag magdala ng camera man.

And that shit is skeptical.

Subukan niya lang talagang gawin iyong kagaguhan na ginawa niya sa akin kahapon, kahit nasa Malacañang pa kami, makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sampal. Hindi talaga ako magdadalawang isip na gawin iyon. H'wag niya akong subukan.

At saka hello? Ni-ready ko na ang sarili ko na hindi maging marupok sa abs!

"Good morning, Ma'am Zabiana," ang sambit ng isang lalaki. Nakasuot siya ng puting short-sleeves na polo. It was fit and as well, his trousers. Lalo tuloy lumaki ang katawan niya doon. And for what I can observe, he is just my age. Saka in fairness, makinis ang kanyang mukha at mestizo pa. Mukhang artista.

"I am Brione Tuazon, bodyguard of the Presidente."

"Oh," I smiled at him as I tried not to wince due to the weight of the camera, "good morning, Brione."

"Let me help you," wala pa man akong sinasagot ay inagaw na niya sa akin ang camera at tripod. Siguradong kung snatcher lang ang isang 'to, mapanganib 'to.

"Follow me, Ma'am," ang huling sinabi niya bago ako talikuran. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan na lang siya.

Doon ay naglakad na kami patungo sa engrandeng entrance ng Malacañang. Sa loob-loob ay hindi ko mapigilan ang sarili na mag-fangirl! Sa TV ko lang ito napapanood noon! Ngayon ay nandito na talaga ako!

"Good morning, Ma'am," ang ngiting-ngiting bati naman ng may kalusugang lalaki. Pareho sila ng uniform ni Brione. So, I think, bodyguard rin siya.

"Ang ganda pala ni Ma'am, kaya naman pala . . ." he continued with a knowing grin.

Ano raw?

"Tigilan mo 'yan, Jacob, ginugulo mo si Ma'am," came by another one. Sa kanilang tatlo, mukhang siya ang pinakamatanda.

"Rufido Vallecer po, Ma'am," inabot niya sa akin ang kanyang kamay.

"Zabiana Pascual po," magalang akong nakipag-kamay sa kanya. 

"Sige na, Ma'am. Tumuloy na ho kayo sa interview niyo kasama ang Presidente," si Jacob. Bakit ba parang laging may double meaning ang mga sinasabi ng lalaking 'to?

Awkward tuloy na natawa si Rufido, mabilis niyang hinampas sa dibdib si Jacob. Then he gestured his hand towards a specific direction, "taas po kayo sa hagdan, tapos kaliwa at panghuli, kumanan kayo. Doon po ang venue ng interview ninyo kasama ang Presidente—"

"No need to tell her, ihahatid ko na lang siya doon," Brione butt in. Ewan ko pero gwapo sana itong lalaki na 'to, mukhang cold nga lang. Robot 'yan? Natigilan ako nang tingnan niya ako, "let's go, Ma'am."

Doon ay wala nang sabi-sabi siyang naglakad. Nagmadali tuloy akong magpaalam nang magalang kina Jacob at Rufido. Hanggang sa nagulat na lang ako dahil malayo na pala ang agwat sa akin ni Brione. Napatakbo tuloy ako.

Swear, hiningal ako nang todo nang maabutan ko na siya. Bakit ba kasi ang bilis lumakad ng isang 'to? Ano 'to? Race ba 'to?

Habang naglalakad patungo sa venue ay tahimik kaming dalawa. As in, there was nothing but a plain silence between us. Tanging yabag lang namin ang maririnig. It was so awkward that all I want to happen is for us to just reach our destination.

Nagsalita lang siya nang huminto siya sa harap ng isang pinto, "we're here, Ma'am."

Inilapag niya ang camera at tripod ko sa sahig. "Nasa loob na po ang Presidente, you may come in now."

The President's Paramore Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang