Episode 30: Ambush

4.6K 109 32
                                    

HUMINTO ang isang itim na SUV sa harap namin ni Yven nang makapunta na kami sa parking area. Swear, muntik na akong mag-ala Charlie's Angel kasi akala ko talaga ay isang kidnapper itong huminto sa tapat namin! Muntik ko na talagang ilabas ang natutunan ko mula sa women self-protection month!

"Chill," Yven smiled at me, "it's Jacob. Siya ang maghahatid sa atin sa airport."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Natatawa lang naman siya nang hawakan na ang kamay ko. Matapos ay iginiya na niya ako papasok sa sasakyan.

I only obliged as he opened the door for me. Pareho kaming naupo sa backseat. Doon ay bigla nang umandar ang sasakyan. And before I can even know it, we are now travelling towards the NAIA.

"Handa na ba ang lahat sa airport, Jacob?" Yven asked. He directed his eyes towards the rear-view mirror.

Brione also met his eyes from it, "Yes, Mr. President. Nandoon na rin po si Denver. Kanina pa po yata kayo hinihintay. Mukhang iritado na po siya nang tawagan ako kanina."

Yven chuckled then shook his head. "His lame ass and strict rules for late comers is overpowering him again. Let him be, wala namang magagawa iyon sa akin."

He continued laughing and Jacob joined him. Hindi ko nga alam kung totoo ba iyong tawa ng bodyguard or pilit na lang. Baka ayaw niya lang langawin ang joke ng amo niya. Ang hirap din siguro ng trabaho niya. Biruin mo, tatawa ka kahit hindi naman nakakatawa ang sasabihin ng amo mo. Napakahirap niyon at maski ako, siguradong hindi iyon magagawa. Baka simangutan ko na lang talaga itong si Yven.

Nang matapos ang pilit nilang tawanan ay sa akin naman itinuon ni Yven ang kanyang pansin. I stared at him with my bitchy what? look. But he just smiled at me. But there is something on god damn sexy smile. Tila ba siyang may masamang balak. Iyong para bang isang kriminal na may masamang sadya sa buhay mo.

When he finally opened his mouth to speak, hindi niya inalis sa mukha ko ang kanyang mga mata. Buong akala ko ay sa akin siya makikipag-usap pero hindi.

"Jacob," ang pagtawag niya sa kanyang bodyguard.

"Yes, Mr. President? May iuutos pa po ba kayo?"

"How long will it take for us to reach the airport?" He asked and I tilted my head at him.

Bakit niya naman natanong? Ngayon ay patuloy pa rin ang ngiti niya sa akin. Tapos ay may lipbite pa siyang nalalaman. Inaakit ba niya ako? Gago ba 'to?

"Probably after fourty-five minutes, Sir." Ang mabilis naman na sagot ng bodyguard. His voice is also baritone and full of authority.

"Hmm," Yven started with a smirk that is directed at me. Matapos ay nagulantang talaga ang buong pagkatao ko nang bigla niyang pasadahan ng dila ang kanyang ibabang labi, "you would not mind if you heard some lewd noises here, right?"

Sa mga sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko. Ilang sandali muna ang lumipas bago ko inisip ang mga nasabi niya. Inisip ko kung tama ba ang narinig ko. Kung narinig ko ba iyon nang maayos kasi ayokong mapahiya at magmukhang assuming kung nabingi lang naman pala ako.

Pero, rinig na rinig ko eh!

Iyon talaga ang kanyang sinambit!

Nang marinig kong naubo bigla ang bodyguard ay talagang nahampas ko ang si Yven sa braso nang malakas! Badtrip ang lalaking ito! Wala talagang pinipiling lugar at kasama! Ang sarap bugbugin! Ilugar naman sana ang kalibugan! Nakakahiya sa ibang tao, oh! Buti ba kung kaming dalawa lang, eh. Kaso tatlo kami dito! Siraulo ba siya?!

"Masakit," he stated as he continued laughing. It's as if what he just dropped is bomb of a joke. Like he is the funniest joker alive. Doon ay lalo lang talagang nag-init ang ulo ko. Pinaghahampas ko pa talaga siya lalo.

The President's Paramore Where stories live. Discover now