Episode 32: Beach

4.1K 106 35
                                    

MATAPOS naming kumain ay nag-aya na si Yven papunta sa beach. For which I really like! Matagal na kasi akong hindi nakakapag-beach kaya sabik na sabik na talaga ako! Isang taon na rin kasi yata iyong huli kong paliligo sa dagat, naging busy kasi talaga ako lately sa trabaho ko kaya hindi ko sinama ang kahit na anong gala sa schedule ko for this year.

Bago ang lahat ay nagtungo muna kami ni Yven sa kwarto namin. Yes, namin. At oo, dito ko lang nalaman na iisa lang pala kami ng kwarto. Paniguradong pakana niya ito. Kung makangiti kasi ang isang iyon nang pumasok na kami sa kwarto ay wagas. Mukhang planado na ang lahat bago pa kami makapunta dito sa Hawaii.

Pinili ko na lang na magpatianod sa kanyang alon. Kasi alam ko naman sa huli, siya at siya ang masusunod. Libre niya ito, eh.

Ngayon ay nasa bathroom ako. Abalang inaayos ang sarili para sa swimming namin. Sinuot ko na ang red bikini ko. Decent naman ito kasi decent part lang ng cleavage ko ang nakikita. High waist din naman ito na malapit nang maging short kaya confident ako dito. Ito ang mga tipo ng bikini na gusto ko talaga. Ayoko nang medyo revealing, maliban na lang talaga kung sa private swimming pool iyon.

Matapos kong makontento sa suot ko ay ang cover up ko naman ang aking sinuot. Then I walked towards the mirror. I started to put a decent amount of make up on my face first before I decided to go out from the bathroom. Sobrang light lang na make up ang ginawa ko. Pink ang lip stick ko. Sweet girl muna ang brand ko ngayon kasi kung magiging seductive ang hitsura ko ay nakakatakot na baka kung ano ang magawa sa akin ni Yven kapag nakalabas na ako sa banyo na ito.

Katulad na lang ng nangyayari ngayon.

Nang magbukas ang pinto ng banyo ay halos matawa na lang ako sa bumungad sa akin. Si Yven. Napapanganga siya habang ang mga mata ay naglalakbay mula sa mukha ko pababa sa katawan ko.

Umirap ako.

"Akala mo naman hindi mo pa ito nakikita kung makanganga ka diyan." I scoffed at him.

Ngayon ay patuloy ang para bang natatakam niyang tingin sa dibdib ko. Mukha siyang pervert na hindi pa nakakaranas ng langit. Iyong virgin pa kaya nasisiyahan lang siya sa pagtingin-tingin sa mga babaeng nakabikini!

Umayos ka nga, Yven!

"Tara na nga!" Hinila ko na siya patayo. Hindi ko na kasi talaga matagalan pa ang pervert niyang mga tinginan.

Tumayo na siya at nagpatianod na lang sa akin. Siya naman ay nakasuot ngayon ng itim na shorts at pink na polo. Nakabukas ang mga botones niyon hanggang sa kanyang dibdib.

Nang lumabas na kami ay nasa labas na rin pala si Denver. Katapat lang kasi namin siya ng kwarto. Ngayon ay nakasandal siya sa pintuan ng kanyang kwarto. Mukhang kanina pa niya kami hinihintay.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko sa kanya.

He gave me a boyish smile. This guy is also good looking. What's with Yven and with the alpha male who is surrounding his holy circle?

"It's okay, Ms. Zabi. Sanay na ako sa siraulong 'to." Ang sagot sa akin ni Denver habang tinatapunan ng poker face ang kanyang kaibigan.

Lumabas na kami ng hotel. Dito naman naghihintay si Briane. Ngayon ay nakasunod lang siya sa amin habang nagmamasid sa paligid. Hindi talaga ako sanay na may bodyguard na kasama.

Samantala, marami pa rin na mga hotel staff ang magiliw na bumabati sa amin. Nagpatuloy kaming dumako patungo sa magandang dagat na kanina pa kumakaway sa akin. And swear, from afar, it was majestic.

Nang papalapit kami nang papalapit ay unti-unti itong gumaganda. Ito ay asul na asul na nahahaluan ng kahel. Iyon ay dahil sa araw na ngayon ay papalubog pa lang. May mga ibon rin na nagliliparan sa ibabaw namin. Isang indication na okay ang environment dito dahil maraming ibon ang naninirahan.

The President's Paramore Où les histoires vivent. Découvrez maintenant