Episode 21: Unfaithful

5.1K 118 40
                                    

DAYS went in like a blur. Before I knew it, isang linggo na pala ang nakakalipas.

Last week, nang bumisita muli si Yven sa condo unit ko ay ang kaso ni Leticia ang una kong tinanong sa kanya. Even him was shocked. Wala raw siyang ibang kinontact the moment na nasa airplane na siya. And also, he has nothing to do with the poor girl. Kasi after all, albeit he never like the idea of her being an activist against him, he still respect her choices. Because as per him, we are living in a nation for which democracy rules. Wala na siyang magagawa sa kung anong gustong gawin ng mga tao.

Dagdag niya pa, baka raw isa lang itong propaganda para sirain pa siya ngayong marami siyang kinahaharap na issue. And then when I asked him more details about it, he refused to say it. Mas mabuti na raw iyong wala akong alam sa kung gaano kabaho at kadumi ang sistema na nalanalaytay sa politika ng Pilipinas.

That time, I didn't push him even further because the first thing that I want to do is to cuddle with him. I effin miss the guy. Tatlong araw siyang nawala. And swear, nang makabalik talaga siya ay pinagbigyan ko siya sa isa na namang indirect sex.

And yes, we are now in a position where I am really confused about our label. Yes, we do things that lovers only can, pero keysa mapagod sa kakaisip ay hinahayaan ko na lang talaga ang sarili na magpadala sa daloy ng sitwasyon.

Pero ayon, it didn't last long kasi madalas talaga ay busy si Yven. May mga gabi na hindi siya nakakabisita sa gabi. May mga umaga na hindi ko na siya naaabutan. Katulad na lang kanina. Nagising na lang ako na wala na siya.

Aniya, nasa Mindanao raw siya ngayon para sa isang meeting with the other local politicians. Sobrang hands on kasi talaga niya bilang isang Presidente, ito ang gusto ko sa kanya. Siya ang pumupunta sa iba't ibang lugar para makipag-usap. 'Di siya pa-VIP, gusto niyang siya ang sasadya dahil siya naman daw ang may kailangan.

Well, may energy pa naman kasi talaga siya para gawin iyon. He is the youngest President in the history of the Philippines and he is also musculine. He is still healthy and fit for his age.

KATULAD ng napag-usapan namin last week, ngayon ay nandito ako sa isang sikat at malaking mall sa Manila. Makikipagkita ako kina Thelma, Walter at Lijah. Ngayon kasi ang araw kung saan namin in-sched ang bonding namin.

"At last! Nandito na rin ang bruha!" Ang unang nasambit ni Thelma nang makapasok na ako sa korean restaurant kung saan kami nagpa-reserve last week. Maraming tao rito ngayon. Puro mayayaman kaya't mga walang pakialam kahit mga reporter pa kami.

I rolled my eyes at her playfully. "Atleast, dumating."

"Alam mo, hindi ka na talaga nagbago." Ang paninimula ng sermon niya nang makaupo na ako. Ngayon ay sinisimulan na nina Walter at Lijah ang pag-grill sa karne. "Naalala niyo ba iyong moment na napagalitan 'to ni Mrs. Gaston kasi ang pasok ay 7 AM, dumating ng 9 AM? Ang galing!"

Natawa ako. Aaminin ko naman, may problema talaga ako pagdating sa oras. Bukod kasi sa mabagal akong maligo ay mabagal rin akong mag-ayos. Ginagawa ko naman ang lahat maayos lang 'to. Gumising ako nang mas maaga pero wala, na-le-late pa rin talaga ako.

"Yeah, I remember it." Lijah laughed. "After that day, Zabi became Mrs. Gaston's number 1 enemy in our block."

Dumagdag at gumatong pa si Walter na ngayon ay binabaliktad na ang karne. "Ikaw ba naman, sagutin ka ng estudyante mo nang pabalang? Sinong 'di maba-badtrip dito kay Zabi?"

We all laughed.

Natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ang araw na iyon. Iyon din kasi ang araw kung saan mayroon ako. At kapag iritable kasi ako, nakikipagsagutan talaga ako kahit sino pa ang kaharap ko.

The President's Paramore Where stories live. Discover now