Episode 15: RUN!

5.9K 125 43
                                    

"SO, ano nga? G ka nga?" Ang muling tanong ng Presidente.

I tried not to laugh or smile. Ang cute niya lang kasi talaga. I never knew that someone from previous generation like him can also use a Gen Z terms. Or more so, know the terms. It's for the reason I presumed him as someone who is more likely to be formal at all times. Sobrang seryoso kasi talaga niya kapag nasa harap na ng publiko. Tipong kapag nag-joke ka sa kanya ng jejemon, titingnan ka lang niya hanggang sa mahiya ka na lang talaga sa sarili mo. Iyong para bang huhusgahan niya ang pagkatao mo.

"As if may choice pa ako?" Inirapan ko siya nang pabiro. "Kahit naman humindi ako, alam kong bubuhatin mo pa rin ako papalabas ng condo ko."

Halos matawa talaga ako nang malala nang ituro ng Presidente ang likod ng kanyang siko gamit ang kanyang hintuturo. Matapos ay ngiting-ngiti niyang sinabi ang katagang, "sheesh."

Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat maramdaman. Ang matawa ba o mamangha. Matawa dahil nag-a-asta siyang teenager o ang mamangha kasi sa hectic na schedule niya, nagawan niya pa talaga ng oras alamin ang iba't-ibang terms ng Gen Z.

"But before that," he mumbled again, "let me take a shower first. Ayokong mamaho sa first date natin."

"First date? Ulul." Ang pagtawa ko pa.

Sinimangutan niya lang ako bago siya magtungo sa banyo. Pero totoo ba? Hindi pa rin siya naliligo? Hindi halata, ah. Amoy baby kasi siya nung binuhat niya ako. You know, amoy fabric conditioner. Langya pati ba naman ang kanyang amoy, pang-gwapo rin? Grabe na talaga ang pagiging favorite sa kanya ni Lord.

Habang nasa banyo siya ay sakto namang nakita kong nasa sofa ang saklay ko. Doon ko lang naalala na kailangan kong lagyan ng bandage ang sarili ko. Tumayo na ako gamit ang saklay. Then I directed my way towards my room. Doon ay ngingiwi-ngiwi kong nilagyan ang katawan at paa ko.

It's been a few days already at medyo na-perfect ko na rin kasi ito. Noong nasa hospital pa kasi ako ay lagi akong nagpupumilit na hayaan na lang nilang ako ang gumawa niyon. Well, kahit masakit ay ininda ko talaga lahat ng iyon kasi I am really planning to stay in my condo alone after I was discharged in the hospital. Everything is props to me and my independent bitch hiding beneath my petite body.

Nang maging okay na ako ay muli na akong tumayo gamit ang saklay. I quictly gravitated my way towards outside. Pero kusa na lang akong natigilan nang sabay sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ang paglabas ng Presidente mula sa banyo.

And oh, good Lord . . .

He is just wearing nothing but my towel. Again. His adonis body is proudly flashing at me. Ganiyon na rin ang abs niyang nag-fe-flex sa bawat paglakad niya. Pero ang hindi ko pa rin kinaya? Iyong mahabang bagay na para bang nag-wi-wiggle sa loob ng towel sa bawat paghakbang niya! Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong natunghayan pero nagugulantang pa rin ako!

"What? Loving the view?" The President stared at me with a naughty smile.

Doon lang ako natauhan. Humarap ako sa kanya at saka umirap. "Feeling mo."

I tried to hide the effect of his God damn body on my core nang dire-diretso na akong maglakad patungo sa sofa gamit ang saklay. Nakakainis na bigla na lang talaga akong natotorete kapag katawan na niya ang nakikita ko! Bakit kasi ang perfect ng katawan ng lalaking 'to? Swear, papasa siyang anomatically perfect para sa mga artists!

Tatawa-tawa lang naman siya nang kinuha ang kanyang backpack mula sa center table. Agad na rin siyang nagtungo sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang at hindi na niya ako inalaska pa kasi kung mangyayari iyon, jusko. Hindi ko na talaga maitatago kung gaano ako labis na naaapektuhan ng kanyang katawan!

The President's Paramore Where stories live. Discover now